ni Mabel Vieron (OJT) | March 1, 2023
Patuloy ang paghahanap sa walo katao na nawawala sa New Zealand matapos ang Bagyong Gabrielle, dalawang linggo na ang nakararaan.
Sinalanta ni ng bagyo ang hilagang rehiyon ng isla noong Pebrero 12 at hinagupit ang silangang baybayin, na nag-iwan ng hindi bababa sa 11 patay at libu-libo ang lumikas.
“The remaining number of people includes those who, for a variety of reasons, do not engage with authorities,” ayon sa pulisya.
Nananatiling prayoridad ng mga pulisya ang walong nawawala.
Comments