top of page
Search
BULGAR

Bagyo at tigil-pasada, sabay pa — P-BBM.. NCR, walang pasok sa SONA

ni Mylene Alfonso @News | July 23, 2023



Aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang suspensyon ng klase at trabaho sa Metro Manila.


Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pananalasa ng Bagyong Egay at maibsan ang epekto ng tigil-pasada kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, bukas Hulyo 24.


Ginawa ng Palasyo ang anunsyo matapos na lagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum Circular No. 25 noong Hulyo 21, at inilabas kahapon.


“In view of the forecasted inclement weather brought about by Typhoon ‘Egay’ and the scheduled seventy-two (72)-hour transport strike in Metro Manila, work in government offices and classes in public schools at all levels in the National Capital Region are hereby suspended on 24 July 2023,” nakasaad sa memorandum circular.


Gayunman, nilinaw ni Bersamin na ang mga ahensya ng gobyerno na naghahatid ng mga pangunahin at serbisyong pangkalusugan, kahandaan/tugon sa mga sakuna at kalamidad, at/o ang pagganap ng iba pang mahahalagang serbisyo ay dapat magpatuloy sa kanilang operasyon.


Nilinaw din ng Executive Secretary na nasa pagpapasya ng kani-kanilang mga head ang pagsususpinde ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya at klase sa mga pribadong paaralan.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page