ni G. Arce @Sports | February 1, 2024
Dadalhin ng dekoradong men’s volleyball player na si Bryan Bagunas ang kanyang kahusayan sa Cignal HD Spikers upang mas lalong palakasin ang puwersa ng bagong balasang koponan para sa 2024 edisyon ng Spiker’s Turf.
Pinapirma ng 3-time league champion ang pinakamahusay na wing spiker at isa sa mga sandalan ng Pilipinas pagdating sa hatawan matapos itong maglaro para sa Taichung-based club Win Streak ng Taiwan at Oita Miyoshi Weisse Adler sa Japan V.League.
Dadalhin ng multi-titlist outside spiker ang galing sa National University Bulldogs na kanyang tinulungan ng dalawang kampeonato, kasama ang pagiging season at Finals MVP, Best Server at Best Attacker na planong makabawi sa 2024 edisyon matapos makuha ang runner-up finish sa Invitational Conference laban sa Sta. Elena-NU Nationals, na minsang naging koponan din ni Bagunas.
“Excited ako to begin this new chapter of my career with the Cignal HD Spikers. Alam naman natin isa na sila sa pinakakilala at pinakarespetadong teams sa men’s volleyball dito sa Pilipinas, kaya umaasa akong makakatulong ako sa kanilang mahabang listahan ng mga tagumpay,” wika ng dating NU spiker, na tatapusin muna ang paglalaro sa ibang bansa bago ito bumalik sa Pilipinas sa darating na bakasyon.
Opmerkingen