top of page
Search
BULGAR

Baguio City, bubuksan na sa mga turista

ni Twincle Esquierdo | September 22, 2020





Pinapayagan na ang mga turista mula sa Region 1, Ilocos Region, na makapasok sa Baguio City simula sa Oktubre 1, Huwebes.

Sa isang panayam, sinabi ni Engineer Alec Mapalo na matagal na nilang plano ito at tulad ng napag-usapan ay dapat mag-register ang mga turistang pupunta rito bilang parte ng health and safety protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

"Ang tagal na naming intensiyon na mai-launch ito and that will signal 'yung pag-register ng mga turista. Mauumpisahan na ang pag-register nila pero gaya nga ng napag-usapan namin nina mayor, ang start ng travel, mag-uumpisa 'yan ng October 1 onwards..." sabi ni Mapalo.

Matatandaan ding sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na ngayong araw ay magbubukas ang Baguio City para sa mga turista at makalipas ang dalawang linggo ay maaari na ring makapasok ang ibang turista mula sa ibang rehiyon.

"After experiencing 'yung opening ng aming tourism sa Region 1, siguro for the next two days from the time it was executed, two weeks after the time it was executed, we experience it, we learn from it, saka po kami mag-o-open sa ibang mga regions. Ganoon po 'yung process na aming gagawin," sabi pa ni Magalong.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page