top of page
Search
BULGAR

Baguio at Davao, hotspot ng COVID-19

ni Thea Janica Teh | November 18, 2020




Kinilala ng OCTA Research group bilang “hotspot of serious concern” ang dalawang lungsod at 7 lugar at itinuring na high-risk area sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.


Ang 2 lungsod ay ang Baguio City at Davao City na patuloy na nakapagtatala ng mataas na bilang ngayong Nobyembre. Sa katunayan, nakapagtala ang Davao City ng 104 kaso kada araw simula Nobyembre 8 hanggang 14, habang 44 kada araw naman sa Baguio City.


Nagbabala ang OCTA sa mga nabanggit na lungsod dahil naabot na nito ang 80% hospital capacity at maaaring makaranas ng hospital burden sa mga susunod na linggo.


Kaya naman, pinapayuhan na mas paigtingin ang testing, contact tracing at isolation upang maiwasan ang pagkalat ng virus.


Samantala, kabilang naman sa 7 kinilalang “high risk” area ang mga sumusunod: * Makati * La Trinidad, Benguet * Itogon, Benguet * Batangas City * Lucena, Quezon * Lopez, Quezon * Pagadian, Zamboanga del Sur.


Ang basehan ng OCTA para makabilang dito ay ang bilang ng pagtaas ng kaso sa isang araw, mataas na positivity rate, attack rate at hospital capacity.


Sa ngayon ay may kabuuang bilang na 412,097 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos magdagdag ng 1,383 ngayong Miyerkules.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page