top of page
Search
BULGAR

Bagsik ni Maluto, umubra, pasok sa final ng VG 10-Ball

ni Eddie M. Paez Jr. - @Sports | February 7, 2021




Lumagpak ang pangatlong higanteng manunumbok sa angas ni Aivhan Maluto ng Pilipinas upang maipagpatuloy sa kanyang paninira sa script ng mga eksperto at mga miron at matagumpay na makapasok sa finals kontra kay Polish ace Konrad Juszczyszyn ng tutuldukan nang 2020 Poison VG 10-Ball 2.0 Virtual Tournament.


Nasingitan ni Maluto si Japanese champion Naoyuki Oi para sa pagpasok sa championship round habang si Jim Telfer ng USA ang naging biktima ni Juszczyszyn sa mga bakbakan sa final 4.


Hindi pamilyar sa mga billiards aficionados sa buong mundo ang pangalan ni Maluto pero sa torneong nabanggit ngayong panahon ng pandemya, nasaksihan ang bangis ng sumibol na bituin ng Philippine biliiards. Kabilang sa mga nakatikim ng bagsik niya ay sina dating world 9-ball champion at 2-time World Cup of Pool winner mula sa Austria na si Albin Ouschan (round of 16), European titlist mula sa Poland na si Mieszko Fortunski (quarterfinals) at ang 4th ranked na Hapones.


"Aivhan Maluto on the other hand has been a COMPLETE monster killer the entire event. If you have not heard of this player before, I advise remembering it from here. This guy is a BEAST. The only match he has lost the entire event was when Kelly Fisher ran a perfect 8 out of 8 set against him in the qualifiers. From there, he qualified for the Kamui Playoffs and beat defending champion and a world champion Ouschan Albin, then bear the overall number 1 seed Mieszko Fortunski, before beating number 4 overall seed Naoyuki Oi in his semifinal matchup, this guy is on a run with destiny!!" pagsasalarawan sa Facebook page ng mga tagapangasiwa ng paligsahan sa nanonorpresang Pinoy.


Si Maluto ay sobrang dehado laban kay Fortunski. Ang huli ay namayagpag sa Italian Open (2016) at sa European Championships (2015, 2018, 2019). Hindi binigyan ng tsansang magwagi ang Pinoy sa duwelo nila ng Austrian dahil bukod sa wala siyang marka sa pandaigdigang entablado ng pagtumbok, malupit na kalaban talaga si Ouschan.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page