ni Jasmin Joy Evangelista | November 27, 2021
Idineklara ng World Health Organization (WHO) nitong Biyernes ang recently-discovered B.1.1.529 strain ng COVID-19 bilang variant of concern, at tatawaging Omicron.
"Based on the evidence presented indicative of a detrimental change in COVID-19 epidemiology... the WHO has designated B.1.1.529 as a variant of concern, named Omicron," pahayag ng UN health agency.
Ang Omicron na ang ikalimang deklaradong ‘variant of concern’ ng COVID-19 ng WHO.
Ang nasabing bagong variant ng COVID-19 ay unang nadiskubre sa South Africa kung saan aabot na sa 100 katao ang dinapuan nito.
Nauna nang nagpatupad ng travel restrictions ang maraming bansa dahil sa “Omicron” na mas nakakahawa umano kumpara sa Beta at Delta variant.
Sinuspinde na rin ng Pilipinas ang flights mula sa mga bansang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique, hanggang Disyembre 15.
Comments