top of page
Search
  • BULGAR

Bagong type ng Swine flu sa China, maaaring maging pandemic

ni Thea Janica Teh | June 30, 2020




Ayon sa pag-aaral ng US science journal PNAS, nakapagtala ang mga researcher sa China ng bagong type ng swine flu na maaaring maging pandemic.


Ito ay pinangalanang G4. Ito ay genetically descended sa H1N1 na naging pandemic din noong 2009.


Mula 2011-2018, nagsagawa ng 30,000 nasal swab sa mga baboy sa 10 probinsiya at veterinary hospital ng China at nakapagtala ng 179 swine flu viruses.


Naobserhang highly infectious ang G4 na ginagaya ang human cell na nagiging sanhi ng masasamang sintomas. Sinasabi rin na ang lahat ng taong na-expose sa mga nakaraang swine flu ay hindi ligtas sa G4.


Ayon sa ginawang blood test, may nakita ang mga ito ng antibody mula sa mga na-expose sa virus at 10.4% sa mga swine workers ay infected.


Bukod pa rito, nakapagtala na ng pagpasa ng virus mula sa hayop papuntang tao ngunit, wala pang naitatala sa transmission ng virus sa tao sa tao.


Kaya naman, agad ding sinolusyunan ang mga ito sa pag-monitor sa mga taong nagtatrabaho malapit sa baboy.


“Ito ay isang paalala na nahaharap na naman tayo sa isang pagsubok. A risk of new emergence of zoonotic pathogens and that farmed animals, with which humans have greater contact than with wildlife, may act as the source for important pandemic viruses”, sabi ni James Wood, head ng department of veterinary medicine sa Cambridge University.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page