top of page
Search
  • BULGAR

Bagong Sarah-John Lloyd, Kathryn-Daniel… PAKILIG AT TIKIMAN NINA BARBIE-DAVID, BENTANG-BENTA SA FANS

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 6, 2024


Showbiz News
Photo: David Licauco & Barbie Forteza / IG

Totoo pala at hindi tsismis lang na malakas ang chemistry ng BarDa love team nina Barbie Forteza at David Licauco.


Isa kami sa mga nanood (at kinilig, in fairness!) sa premiere night ng That Kind of Love, ang first movie team-up ng BarDa na produced by Pocket Media Productions, Incorporation and Pocket Media Films in cooperation with Happy Infinite Productions, Incorporation, released and distributed by Regal Entertainment, na ginanap sa SM Megamall last Friday.


Worth it ang all-out support ng maraming Kapuso stars na nagpunta sa premiere sa pangunguna nina Ms. Alice Dixson, Rhian Ramos at Rep. Sam Verzosa, Kelvin Miranda, Rabiya Mateo at Jeric Gonzales at marami pang iba.


Sa tilian at kilig pa lang ng mga fans habang sabay-sabay kaming nanonood sa mga pakilig na eksena nina Barbie at David bilang sina Mila at Adam, ramdam na naming bentang-benta ang kanilang tambalan.


Puring-puri ng mga nanood ang galing umarte ni Barbie at talagang dinala niya si David na bagama't medyo kulang pa acting wise, 'yung mga simpleng titig at paglapit ng mukha niya kay Barbie ay grabeng kilig naman ang hatid sa mga fans.


Baka too early to say pang le-level sa kilig nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang mga rom-com movies ang galawan nina Barbie at David pero sa mga love teams ngayon, mukhang sila na nga ang next in line na gagastusan sa sinehan ng mga fans dahil sa lakas ng chemistry nila.


'Yung tipong kahit gusto mong magmaasim dahil fan ka ng ibang love team, hindi mo mapipigilang mapangiti at kiligin kapag nagdikit na ang BarDa at naglapit na ang kanilang mga mukha na akala mo'y papunta na sa kissing scene.


Pero in fairness uli, hindi naman nila binigo ang kanilang mga fans dahil may pasabog silang kissing scene sa ending (ay, sorry, spoiler kami, haha!) na tinilian nang sobra ng mga moviegoers.


Ay, naku, basta, sa mga bitter d'yan dahil nabigo sa pag-ibig o hindi pa nakakatagpo ng kanilang perfect match, manood na lang kayo ng That Kind of Love at baka sakaling tumibok ang puso n'yong matagal nang natutulog, hahaha!


Showing na ang That Kind of Love sa July 10 mula sa direksiyon ni Direk Cathy "CC" Camarillo. Special thanks to Digital Out Of Home, Inc.



Kasama rin sa cast ng movie at umagaw ng eksena si Divine Aucina na best friend ni Barbie. May important role naman si Kaila Estrada bilang 'karibal' ni Barbie kay David, pero buti at hindi siya inaway ng BarDa fans. 


Join din sina Ms. Arlene Muhlach, Al Tantay, Ivan Carapiet, Jef Gaitan at marami pang iba.

Well, wish naming maging blockbuster ang TKOL para bumalik din ang interes ng tao sa panonood ng local movies.


 

Janine, Gabbi at Jake, hosts ng 7th EDDYS


Showbiz News
Photo: The EDDYS / FB

Mga Ka-BULGAR, bukas na, Linggo (July 7) ang pinakaaabangang 7th The EDDYS o ang Entertainment Editors' Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).


Magkakaalaman na kung sinu-sino ang mga karapat-dapat na tanghaling pinakamagagaling sa mga nominadong pelikula at mga artistang nagmarka at lumikha ng ingay nitong nakalipas na taon.


Itatanghal ang Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City, na muling ididirek ng aktor at award-winning filmmaker na si Eric Quizon.


Mapapanood naman ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10 PM.


Magsisilbing hosts ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit 'Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at ang movie at TV actor na si Jake Ejercito. 


May espesyal namang pagtatanghal sa 7th EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela pati na ang Ultimate Singer-Songwriter at TV host na si Ogie Alcasid.


Isang pasabog na production number din ang hatid ng mga drag queens na Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Ang veteran radio-online personality namang si Mr. Fu ang magiging host sa Red Carpet ng awards night.


Maglalaban-laban ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform noong 2023. 


Nominadong Best Actress sina Kathryn Bernardo (A Very Good Girl); Charlie Dizon (Third World Romance); Julia Montes (Five Breakups And A Romance); Marian Rivera (Rewind); Vilma Santos (When I Met You In Tokyo); at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).


Maglalaban naman sa Best Actor category sina Elijah Canlas (Keys to the Heart); Dingdong Dantes (Rewind); Cedrick Juan (GomBurZa); Piolo Pascual (Mallari); Alden Richards (Five Breakups And A Romance); Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us).


Magsisilbing highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry na kinabibilangan nina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren at Gina Alajar.


Isang posthumous award din ang ibibigay sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas.


Bilang pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry, ipagkakaloob ng SPEEd ang The EDDYS Box Office Heroes kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual.


Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night sa July 7, 2024. Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.


Katuwang din ng grupo ngayong taon sina DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta at ang Echo Jam.


 



 


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page