ni Jasmin Joy Evangelista | November 29, 2021

Inilunsad ng Food Processing Innovation Center - Davao (FPIC-Davao) ang “Bukolyte", isang instant (young) coconut powdered drink.
Ito ay isang alternatibo sa fruit juices sa mga pamilihan dahil wala itong artificial flavor at preservatives at taglay nito ang apat na electrolytes na potassium, sodium, calcium, at magnesium.
Ang produkto ay ginawa bilang "on-the-go" hydration dahil makakainom ka ng tubig ng niyog kahit saan at kahit kailan.
Ayon sa Department of Science and Technology, nabuo ang produktong ito sa pamamagitan ng spray-drying technology kung saan nagagawang powder ang liquid extract ng prutas pero napapanatili ang sustansya nito.
Inilunsad ang "Bukolyte" sa 2021 National Science and Technology Week noong Miyerkules sa isang mall sa Davao City kung saan ibinahagi na rin ang mga sample at ibinenta ang mga produkto sa publiko.
Comments