top of page
Search
BULGAR

Bagong patakaran ng SC, sapol ang mga bayarang fake news vlogger

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Dec. 5, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

KAPAG NA-IMPEACH SI VP SARA HINDI NA SIYA PUWEDENG KUMANDIDATO SA PAGKA-PRESIDENTE AT ‘YAN ANG GUSTONG MANGYARI NG MGA ANTI-DUTERTE POLITICIAN -- Kapag na-impeach si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, nakasaad sa batas na hindi na siya puwedeng manungkulan sa anumang posisyon sa pamahalaan.


At sa rami ng mga nagsampa ng impeachment complaint kay VP Sara at tanggapin naman ito ng Kamara ay tila tutuluyan talaga siyang i-impeach para hindi na siya makakandidato sa 2028 presidential election.


Ibig sabihin, malaki talaga ang takot ng mga anti-Duterte politician na baka manalong presidente si VP Sara kasi nga kahit ang daming bad issue na ipinupukol sa kanya ay malakas pa rin ang hatak niya sa tao, at para hindi na siya makalahok sa 2028 presidential election, ang tanging paraan ng mga kalaban niya sa pulitika ay i-impeach siya, tsk!


XXX


SEN. BONG GO, PABORITO NG MGA KAPITAN NG BARANGAY AT MGA CITY, MUNICIPAL COUNCILOR SA ‘PINAS -- Sa mga senator, si Sen. Bong Go ang masasabing pinakapaboritong senador ng mga kapitan (chairman) ng mga barangay at mga city at municipal councilors.


Matapos gawing guest of honor si Sen. Bong Go ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LBP) para sa year-end assembly ng mga kapitan ng barangay sa buong Pilipinas na idinaos, ay ang nabanggit din na senador ang ginawang guest of honor ng Philippine Councilors League (PCL) para naman sa year-end assembly ng mga city at municipal councilors sa buong bansa.


Isa lang ang nakikita nating dahilan kung bakit si Sen. Bong Go ang paborito ng mga barangay chairman, city at municipal councilors, kasi marami sa kanilang mga kababayan ang nakikinabang sa serbisyo ng Malasakit Center-free hospitalization sa mga public hospital at Super Health Center free laboratory na parehong akda ng senador, palakpakan naman diyan!


XXX


MATATAPOS NA ANG HAPPY DAYS NI HARRY ROQUE SA PAGTATAGO KAPAG KINANSELA ANG KANYANG PASAPORTE -- Dahil sa illegal travel na isinagawa ni former presidential spokesman Harry Roque patungong Abu Dhabi ay sasampahan siya ng Bureau of Immigration (BI) ng mga patung-patong na kaso na posibleng maging sanhi upang kanselahin ang kanyang pasaporte.


At kapag kanselado na ang kanyang pasaporte, tapos na ang happy days ni Roque sa pagtatago kasi madadali na ang pag-aresto sa kanya dahil mismong mga law enforcer na ng Abu Dhabi ang aaresto sa kanya para i-deport pabalik ng Pilipinas, abangan!


XXX


SA BAGONG PATAKARAN NG SC, MGA BAYARANG FAKE NEWS VLOGGERS ANG TATAMAAN --Inanunsyo ng Supreme Court (SC) na puwede nang gamiting ebidensya sa pagsasampa ng kaso ang mga video at chat sa social media.


Sigurado, karamihan sa mga tatamaan sa bagong patakaran na ‘yan ay mga bayarang fake news vlogger na ang trabaho ay manira ng mga tao sa socmed, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page