top of page

Bagong Pasig Market: Tahanan ng kabuhayan at pag-asa para sa lahat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Chit Luna @News | Apr. 14, 2025





PASIG CITY — Dito sa puso ng Pasig umuugong ang buhay.

Sa loob ng maraming taon, ang Pasig Public Market ang takbuhan ng mga mamimili at pangunahing sentro ng kalakalan. Ngunit sa kabila ng laki at halaga nito, matagal na rin itong naiwan ng panahon.


Marumi, mainit, at masikip—ito ang karaniwang reklamo ng mga negosyante at mamimili. Sa halip na kaginhawaan, abala at disorganisasyon ang kanilang nararanasan.

Isinusulong ni Ate Sarah ang PWD Empowerment Program—isang makabagong inisyatibong nagbibigay ng pantay na oportunidad.

Kaya't naniniwala si Ate Sarah Discaya na panahon na para bigyan ito ng bagong anyo.

Sa ilalim ng programang Serbisyong Ate Sarah, isusulong ang modernisasyon ng Pasig Public Market.


Gagawing mas maayos, maaliwalas, at maginhawa ang palengke para sa bawat Pasigueño.


Para kay Ate Sarah, ang palengke ay tahanan ng kabuhayan at pangarap ng maraming pamilya.


Kabilang sa mga pagbabagong inaasahan ang pagpapaluwag ng mga pasilyo, pagpapaayos ng drainage at basura at pagtatayo ng maayos na terminal.

Lahat ng ito ay bahagi ng pagbibigay respeto at dignidad sa mga tao ng palengke.


Ngunit higit pa sa pisikal na pagbabago, ang bagong Pasig Market ay magiging simbolo ng makataong pamumuno—ang mamamayan ang tunay na sentro ng serbisyo. Dito matututo, lalago, at magsisimula ng bagong yugto ng kabuhayan.


Sa Pasig, bawat isa ay may lugar sa pag-asenso. At sa muling pagbangon ng Pasig Market, muling maipapakita na ang tunay na pag-unlad ay ramdam sa araw-araw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page