BAYANI, BILLY, K AT WACKY KIRAY, TATAPATAN ANG EAT BULAGA AT IT'S SHOWTIME
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 17, 2020
![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_e5f0567fddca400fa212e61c6e258292~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2fdd27_e5f0567fddca400fa212e61c6e258292~mv2.jpg)
Pasok ang komedyanteng si Bayani Agbayani sa mga napiling mag-host sa ilulunsad na noontime show sa TV5, ang Lunch Out Loud.
Bago si Bayani, naglabasan na ang pangalan ng ibang Kapamilya stars na magiging bahagi rin ng show gaya nina Billy Crawford, K Brosas and Wacky Kiray.
Si Johnny Manahan ang direktor ng bagong noontime show sa TV5 and produced by Brightlight Productions ni Congressman Albee Benitez.
Confirmed na raw ang pilot telecast ng Laugh Out Loud on October 17, Saturday, pero 'di pa namin natanong ang aming source kung live na ito.
Pero balita namin, isa-isa nang hinihingian ang mga hosts sa show ng kanilang existing pictorial photos para magamit sa promotion. Wala pa raw kasi silang pictorial for the show dahil na rin sa sitwasyon natin due to covid-19 crisis.
For sure, ang saya-saya ni Bayani when he found out na may bagong show ulit siya. At tiyak, panay na ang "Thank you, Lord" ng komedyante.
Dati na ring nakapagtrabaho si Bayani sa TV5, kaya feeling good siya to be back sa Kapatid Network. Wala naman kasing masamang tinapay si Bayani sa lahat ng TV networks na nilabasan niya kaya always welcome siyang bumalik.
So, magtatapatan na ang tatlong noontime shows sa tatlong free TV stations. Una, ang Eat… Bulaga! sa GMA-7, ang show nina Janno Gibbs at Anjo Yllana sa NET 25, at ito ngang LOL ng TV5. At ang pang-apat sana ay ang noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime sa free TV kung 'di lang naipasara ang istasyon.
Pero sa kabila nito, marami pa rin ang nananatiling solid Kapamilya viewers na patuloy na sumusubaybay at nanonood ng It's Showtime sa Kapamilya Channel via net.
So, magtatagisan ng kanilang galing sa pagho-host ang mga kilalang komedyante sa bansa, huh?
Anyway, makakasama ni Bayani sa LOL sina Billy Crawford, K Brosas at Wacky Kiray.
O, 'di ba, mukhang ang saya-saya ng pananghalian ng mga Pinoy viewers sa gitna ng pandemya? Mas marami na silang mapagpipilian ngayon at the comfort of their own houses.
Pindut-pindot lang ang katapat niyan.
Comments