top of page
Search
BULGAR

Bagong nakamamatay na sakit… Higit 45,000 kaso ng ‘black fungus’, naitala sa India


ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 22, 2021



Naitala sa India ang mahigit 45,000 kaso ng nakamamatay na "black fungus" sa loob ng nakaraang dalawang buwan, ayon sa health ministry ng naturang bansa.


Ayon kay Junior Health Minister Bharati Pravin Pawar, mahigit 4,200 katao na ang naitalang nasawi sa naturang fungus na may scientific name na mucormycosis.


Unang naiulat na “very rare” lamang ang infection ng “black fungus” ngunit lumobo ang kaso nito sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic na madalas umanong tumatama sa mga gumaling na sa Coronavirus.


Ayon sa datos ng pamahalaan, ang may pinakamataas na kaso ng “black fungus” ay ang western state ng Maharashtra na may kabuuang bilang na 9,348.


Ayon sa awtoridad, bago ang pandemya, nakapagtatala ang India ng 20 kaso ng “black fungus” kada taon at kadalasan ng mga tinatamaan ay ang mga may high blood sugar levels, HIV o organ transplant recipients.


Samantala, pinag-aaralan na ng mga eksperto ang biglaang pagtaas ng kaso nito at ang “excessive use” ng steroids bilang panggamot sa COVID-19 ang tinitingnang dahilan nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page