top of page
Search
BULGAR

Bagong NAIA, simbolo ng modernisasyon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos

by People's Television Network, Inc (PTNI) @Info | Jan. 9, 2025



Personal na lumibot si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kasalukuyang pasilidad ng NAIA. 



Ang matagumpay na pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay patunay ng epektibong pamumuhunan ng pamahalaan sa imprastruktura sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 


Sa kasalukuyan, ang NAIA ay unti-unting nakikilala sa maayos at mahusay na pamamalakad ng paliparan, malayo sa una nitong naging imahe ng katiwalian at kawalang-kaayusan. 


Isang holiday traveler kamakailan ang nakaranas ng mabilis na airport processing na tumagal lamang ng 30 minuto mula sa curbside ng paliparan hanggang sa boarding gate ng NAIA Terminal 3 - taliwas sa mga dating mahahabang pila at mga luma nitong pasilidad. Ang mga pagbabagong ito ay resulta ng dedikasyon ng Pangulong Marcos na gawing moderno ang 76-taong gulang na paliparan. 


Ang transpormasyong ito ay bunga ng pasya ng Pangulo na ipagkatiwala ang rehabilitasyon at pamamahala ng pambansang paliparan sa ilalim ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), isang konsorsyum sa pamumuno ng San Miguel Corporation. Sa loob lamang ng tatlong buwan, ang Public-Private Partnership (PPP) project ay nagdulot ng mas maayos na proseso, pagkabawas ng pagsisikip ng mga pasahero, at mas maginhawang paglalakbay. 


"Ito ang pagbabagong pinapangarap natin para sa bawat manlalakbay na Pilipino," ani Pangulong Marcos. "Layunin natin na gawing maayos at maginhawa ang bawat paglalakbay ng Pilipino na sumasalamin sa isang bansang may malasakit at dedikasyon sa lahat niyang mamamayan." 


Sa Terminal 3 ng NAIA, makikita ang malaking pagbabago, mula sa check-in hanggang sa immigra- tion at security checks. Ang pinaigting na seguridad at mas maayos na proseso ay nagbawas sa oras ng paghihintay at nagbigay ng mas magandang karanasan sa mga pasahero. Ilan sa mga pangunahing pagbabago ay ang paglalagay ng baggage screening bago ang immigration counters at paglalagay ng biometric "fly-to-gate" systems na nagpabilis pa sa daloy ng mga manlalakbay. Ang resulta ay mas komportableng karanasan, malayo sa mga dating problema ng paliraparan tulad ng pagsisikip ng mga pasahero. 



Mga Makabuluhang Pagbabago 


Mula nang maipailalim pamamahala ng NNIC ang paliparan noong Setyembre 2024, malaki ang naitulong ng mga bagong sistema sa pagpapabilis ng daloy ng mga pasahero. Ang karagdagang lanes sa arrival areas at pinalawak na curbside ay nagpabilis sa daloy ng mga sasakyan. Ang curbside lanes sa mga terminal ay planong palawakin pa. Ang Terminal 1 ay magkakaroon ng walong lanes mula sa tatlong lanes nito; ang Terminal 2 ay magiging walo mula sa apat; at ang Terminal 3 ay magkakaroon ng labindalawa mula sa walong lanes. 


"Malaki ang naitulong ng ating mga concessionaire kung ikukumpara sa ating naging karanasan noong Disyembre 2023," ani Sec. Jaime J. Bautista ng Department of Transportation sa kanyang isinagawang inspeksyon sa paliparan apat na araw bago ang pagdiriwang ng kapaskuhan. 


"Halimbawa, nabawasan ang pagsisikip sa arrival area dahil sa karagdagang lanes. Sa loob ng 90 araw, nagawa nilang magdagdag ng lanes, kaya naging kapansin-pansin ang kawalan ng matinding trapiko at naging maayos ang daloy ng mga sasakyan," dagdag ni Sec. Bautista. 


Ayon pa sa kalihim, masaya ang mga pasahero sa mga pagbabago sa paliparan: "Lahat ng pasaherong nakausap namin ay masaya. Sa pangkalahatan, maganda ang karanasan natin ngayong Christmas season." Batay sa ulat, mas bumilis na rin ang security checks. Ang paglalagay ng modernong explosive detection system at mas maayos na proseso ng baggage screening at immigration ay magpapabilis pa sa seguridad. 


Personal na tinututukan ni Pangulong Marcos ang planong modernisasyon sa NAIA, ang pangunahing paliparan ng bansa. 


Patuloy na Pagbabago 


Ang rehabilitasyon ay higit pang paiigtingin. Sa kasalukuyang renobasyon ng Terminal 4, titiyakin na gumagana ang lahat ng air bridges at maglalagay ng OFW lounges sa Terminal 1 at 3 - mga pagbabagong lalong magpapabuti pa sa karanasan sa NAIA. Ang libre at mabilis na internet sa paliparan na may bilis na hanggang 115 Mbps ay dagdag na kaginhawaan sa mga pasahero. 


Sisiguruhin din na magagamit nang maayos ang lahat ng pasilidad. Upang maiwasan ang power fluctuations at masiguro ang tuloy-tuloy na operasyon, naglagay ang paliparan ng dedicated 115KV substation at advanced na uninterruptible power supply (UPS) system. 


Ang mga ito ay hindi lamang panandalian kundi sistematiko at pangkalahatang pagbabago sa operasyon ng NAIA. Ang resulta ay isang natatanging paliparan na ang maay- os na operasyon at kasiyahan ng mga pasahero ang prayoridad. 


Positibong Feedback Mula sa mga Pasahero 


Sa pangkalahatan, naging positibo ang feedback ng mga pasahero. Inilarawan nila ang malaking pag- babago ng NAIA na malayong-malayo ang kalagayan nito sa nakalipas lamang na isang taon. "Dati'y kinatatakutan ko ang pagdaan dito, pero ngayon, napakadali na. Maayos at mabilis ang proseso; may oras pa ako para makapagtrabaho sa isang coffee shop sa paliparan," kwento ng isang madalas na pasahero ng ΝΑΙΑ. 

Ang mga holiday travelers, na kadalasang nakararanas ng matinding pagod at hirap sa paliparan, ay nag-ulat din ng mas maayos na byahe. 


"Okay na ang NAIA Terminal 1. Matagal na talaga ang mga terminal, kahit ang mga upuan ay kailangan nang palitan. Mabagal man, kitang-kita ang mga pagbabago," ani ng isang Pilipinong manlalakbay na nagtungo sa Macau kasama ang kanyang pamilya noong Disyembre 

23. 


Maliban sa ilang maliliit na problema, ang pagproseso ng NAIA sa mahigit 150,000 pasahero araw-araw sa peak season ay nagpakita ng malaking pagbabago at pagtiyak ng maayos na serbisyo sa holiday travel period. 


Inilahad ni PBBM ang mga inobasyon at pagbabagong dapat abangan ng publiko sa NAIA. 



Financial Milestones 

Ang desisyon ng pamahalaan na makipagtulungan sa isang pribadong concessionaire ay naging epektibong aksyong pampinansyal na nag-alis ng pasanin sa mga taxpayer. Ang pamumuhunan at kahusayan ng pribadong sektor ang nagbigay-daan upang magkaroon ang bansa ng world-class na imprastruktura. 


Kabilang sa sentro ng modernization plan ang sustainability. Ang solar panels, energy-efficient systems, at mas maayos na waste management protocols ay isinasagawa upang mabawasan ang environmental footprint ng airport. Ang mga drinking water fountains na may paper cups ay nakatakda ring ilagay para sa lahat ng pasahero upang ma- bawasan ang plastic waste.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page