top of page
Search
BULGAR

Bagong kumakalat na sakit sa China, 6K plus na ang nagpositibo

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 6, 2020




Matapos kumalat ang sakit na COVID-19, nagkaroon naman ng bacterial disease outbreak na tinawag na brucellosis kung saan mahigit 6,000 katao sa Lanzhou, capital ng Gansu province, northwest China ang nagpositibo, ayon sa lokal na pamahalaan.

Tinatayang nasa 55,725 katao sa siyudad ang na-test at 6,620 sa mga ito ang nagpositibo sa brucellosis.


Ayon sa World Health Organization (WHO), makararanas ng flu-like symptoms ang taong tinamaan ng brucellosis. Ito ay nakukuha sa pagkakaroon ng direct contact sa infected animals, pagkain o pag-inom ng kontaminadong animal product at paglanghap ng airborne agents.


May posibilidad din umanong maging malala o chronic ang sintomas ng brucellosis o hindi na mawala pa.


Ayon sa pahayag ng Lanzhou's health commission noong Setyembre, nagsimula umano ang outbreak sa biopharmaceutical factory na pagmamay-ari ng China Animal Husbandry Industry Co.. Gumagamit umano ang nasabing factory ng mga expired na disinfectants simula pa noong July hanggang Agosto 2019 upang gumawa ng brucellosis vaccines.


Dahil dito, naiiwan umano ang mga bacteria sa waste gas hanggang sa naging kontaminado na. Ang mga aerosols na nabuo mula rito ay tinatangay ng hangin papunta sa Lanzhou Veterinary Research Institute kung saan unang naitala ang outbreak noong November, 2019.


Samantala, ipinatigil ang produksiyon ng brucellosis vaccine noong December 2019, ayon sa Global Times.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page