ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 26, 2020
Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pag-apruba sa pagsasagawa ng dry run ng face-to-face classes sa January 2021 sa mga low COVID risk na lugar dahil sa bagong klase ng COVID-19 na pinaniniwalaang mas matindi at mas delikado.
Pahayag ni P-Duterte, “I have allowed kasi the face-to-face classes as a pilot project all over the country. With the new strain, true or not, maybe it's true because it’s being validated by Germany, South Africa, UK, eh, iyong order ko noon kay (Education Secretary Leonor) Briones, I’m calling back the order.
“I will not allow face-to-face classes for children until we are through with this [strain].”
"We have to know the nature of the germ we are confronting. We don't know anything and I cannot take the risk of allowing the children. That would be a disaster actually.”
Aniya ay aatasan niya si DepEd Sec. Leonor Briones na isuspinde ang lahat ng aktibidad ng mga batang mag-aaral lalo na ang face-to-face classes.
Ang bagong uri ng COVID-19 ay unang naitala sa United Kingdom at isinailalim ang bansa sa mas mahigpit na restriksiyon dahil ayon kay British Prime Minister Boris Johnson, "(It) Maybe up to 70% more transmissible than the original version of the disease."
Na-detect na rin ang bagong klase na ito sa Rome, Denmark, Netherlands, Australia at France.
Ayon naman kay P-Duterte, na-detect na rin ito sa Sabah, Malaysia na malapit sa Sulu.
Samantala, ipinag-utos na ang suspensiyon ng mga flights sa UK simula pa noong December 24 hanggang sa December 31.
Comentários