top of page
Search
BULGAR

Bagong klase ng COVID, kumakalat na…Travel ban sa UK, ‘di pa kailangan - Duque

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 27, 2020




Inirekomenda ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Sabado na ikonsidera lamang ang travel ban sa United Kingdom kapag nasa lebel na ng community transmission ang bagong variant ng COVID-19 sa Pilipinas.


Pahayag ni Duque, “Base sa mga ulat na kinalap ng World Health Organization (WHO) mula ika-28 ng Agosto hanggang ika-23 ng Disyembre, may labingdalawang bansa sa Western Pacific Region ang nagtala ng mga imported na kaso mula sa UK. Kabilang po rito ang Hong Kong, China, Singapore, New Zealand, Korea, Japan, Malaysia, Vietnam, Australia, Taiwan and Cambodia.


“Sa mga ito, 3 bansa ang nakapagtala ng mga kaso base po sa bagong variant. Sa Australia ay may 4 na kaso nang natuklasan habang naka-quarantine. Sa Hong Kong ay may 2 kaso, dalawang estudyante na edad 14 at 17. Sa Singapore naman po ay may isang kaso, isa ring estudyante na 17 taong gulang. Sa Japan, na-detect ang new variant sa 5 biyahero mula sa UK.


“Samantala, wala pang kaso mula sa new variant ang naitala sa Pilipinas. Ngunit nais ko pong tukuyin ang limitasyon ng datos na ito. Ito ay mula sa mga official sites lamang kung saan ang datos ay patuloy na nagbabago o inaayos dahil sa ongoing case investigations. Meron ding mga naitalang imported na kaso na hindi matukoy ang pinanggalingan.


"Ginoong Pangulo, habang nadaragdagan ang mga bansang nag-uulat ng detection ng UK new variant, inirerekomenda po ng DOH kasama ng mga eksperto ng Technical Advisory Group (TAG) ng ating Inter-Agency Task Force (IATF) ng WHO na sa mga manggagaling sa mga bansang may kumpirmadong new variant, gawing mandatory ang pagtapos ng 14-day quarantine period sa New Clark City. Ang protocol na ito ay gaya ng ipinatupad ngayon para sa mga biyahero na dumating bago mag-alas-dose a uno, umaga ng December 24.


“Ikonsidera lamang ang travel ban, Mr. President kung nasa lebel na ng community transmission ang new variant sa naturang bansa (UK).”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page