top of page
Search
BULGAR

Bagong kaso ng COVID-19 sa 6 na bansa, konektado sa mink farms

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 7, 2020



Kabilang ang Denmark at United States sa anim na bansang naiulat na nagkaroon ng bagong kaso ng COVID-19 dahil umano sa mga mink farms, ayon sa World Health Organization


Ayon sa WHO, nadiskubre ng Italy, Netherlands, Spain at Sweden ang SARS-CoV-2 sa mga minks.


Sa Copenhagen, ipinag-utos na patayin ang 15-17 million minks sa bansa dahil sa pagkakaugnay nito sa COVID-19.


Ipinagbawal naman sa Britanya ngayong Sabado ang pagpasok ng mga foreigners mula sa Denmark matapos maiulat ang kaso ng virus mutation galing sa mga minks.


Ayon sa mga siyentipiko, ang virus mutation ay kadalasang hindi nagdudulot ng matinding sakit sa tao. Ngunit nagbabala ang mga Danish health authorities sa bagong strain na tinatawag na "Cluster 5.”


Saad ng WHO, "Initial observations suggest that the clinical presentation, severity and transmission among those infected are similar to that of other circulating SARS-CoV-2 viruses.


"However, this variant... the 'cluster 5' variant, had a combination of mutations, or changes that have not been previously observed. The implications of the identified changes in this variant are not yet well understood.”


Nanawagan naman ang WHO na magsagawa pa ng pagsusuri sa naturang mink-associated variant "to understand any potential implications of this finding in terms of diagnostics, therapeutics and vaccines in development.


"Although the virus is believed to be ancestrally linked to bats, its origin and intermediate host(s) of SARS-CoV-2 have not yet been identified.”


Simula noong Hunyo ngayong taon, 214 katao na ang naitalang mayroong COVID-19 sa Denmark na may SARS-CoV-2 variants na nauugnay sa farmed minks.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page