top of page
Search
BULGAR

Bagong endorser ng brief… JOSEPH MARCO, TODO-TIIS NA 'WAG KUMAIN PARA SA PICTORIAL

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | December 16, 2022





Balot na balot ang Kapamilya actor na si Joseph Marco nang dumating kahapon sa Hanford Office sa Congressional Avenue para sa contract signing niya as the newest-additional endorser ng sikat na undergarment brand, pero ang lakas ng dating ni Joseph at ang daming female staff ng Hanford ang kinilig sa kanya.


Opisyal na ngang pumirma ng kontrata si Joseph sa Hanford at mainit siyang winelcome nina Mansfield (maker of Hanford) executives Mr. Victor Te (President), Ms. Sincerely Te (Vice-President), Ms. Sheena Anne Te (Executive Vice-President) and Ms. Ma. Theresa S. Benedicto (Sales and Marketing Manager) para maging bagong mukha ng Hanford briefs.


Sa tanong kung bakit si Joseph Marco ang napili ng mga may-ari bilang bago nilang

celebrity endorser, ayon kay Ms. Benedicto, "Joseph Marco, who stands out with his awesome good looks, embodies the qualities of a Hanford man who is healthy, physically fit and a well-rounded person."


True, napaka-fit ngang tingnan ni Joseph Marco at kahit hindi ito nagpakita ng kanyang abs sa presscon, wala kaming maaninag na fats man lang na bumubukol sa tiyan nito.


Kaya for sure, mas maraming kababaihan at members ng LGBT ang mapapatingala at mapapahinto kapag nagkaroon na ng mga billboard si Joseph para sa Hanford.


Although, ayon kay Joseph, sa January, 2023 pa ang kanyang pictorial para sa Hanford briefs na kanyang ie-endorse kaya matagal-tagal pa raw na pagtitiis at pagpipigil sa pagkain ngayong Holiday Season ang kanyang gagawin para manatiling fit.


Joseph Marco will promote the Hanford Premium collection that uses the latest top-of-the-line technology and the finest materials for utmost comfort, quality and durability.


The Hanford Premium collection includes briefs, boxer briefs, boxer shorts, shirts and sandos.


Samantala, dahil isa nga si Joseph sa mga pinapantasyang hunks sa showbiz, tinanong namin siya kung na-experience na rin ba niyang magkaroon ng indecent proposal tulad ng ibang hunk actors.


Nangingiting pag-amin ng awarded-actor, singer-dancer and commercial model, marami na siyang natanggap na indecent proposals mula sa LGBT community pero dinededma na lang niya dahil ayaw din naman niyang mabastos ang mga ito.


Kayang-kaya nga namang kumita ni Joseph sa showbiz dahil in fairness sa kanya, may pangalan na siya at marami na ring nagawang shows, so bakit pa niya hahangarin 'yung madaling kita sa pagbebenta ng katawan?


Kaya sa mga nagpapantasya at gustong 'maiuwi' si Joseph Marco, abangan n'yo na lang ang mga lalabas na pictures niya for Hanford at 'yun ang iuwi n'yo, paaaak!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page