by Meralco - @Brand Zone | February 4, 2021
Bilang suporta sa gobyerno at sa pribadong sektor sa laban kontra COVID-19, pinailawan ng Meralco ang bagong treatment center na ipinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ay matatagpuan sa C4 Road, Barangay Tanong, Malabon City.
Bahagi ng proyektong ito ay ang paglalagay ng bagong pasilidad na paglalagyan ng metro, pagtatayo ng apat na konkretong poste, at paglalagay ng dalawang 75-kVa na distribution transformer.
Ang ginamit na materyales sa tatlong (3) haba ng wire na ikinabit sa pagitan ng apat na poste ay overhead conductor na may balot. Kaugnay ng nasabing proyekto ay naglipat din ang Meralco ng isang pasilidad ng elevated metering center (EMC) at distribution transformer.
Gaya sa iba pang naunang treatment center para sa COVID-19, sinisiguro ng Meralco ang maaasahang supply ng koryente para rito. Sa kasalukuyan, nasa 90 na ang bilang ng mga pasilidad para sa COVID-19 na pinailawan ng Meralco.
Kabilang dito ay mga ahensya ng gobyerno, mga pampubliko at mga pribadong ospital, laboratoryong ginagamit sa testing, pasilidad para sa quarantine, at mga treatment center.
Comentários