ni Eli San Miguel @News | May 5, 2024
Umabot na sa higit sa 2.5 milyong bagong botante ang nairehistro para sa 2025 na pambansa at lokal na halalan, at malapit na nitong maabot ang tatlong milyong target na itinakda ng Commission on Elections (Comelec).
Nagpapakita ang mga datos na ibinahagi ni Comelec Chairman George Garcia sa mga mamamahayag, na may kabuuang 2,548,324 na aplikasyon ang naiproseso sa buong bansa, kalahati pa lamang ng tatlong buwan mula nang magsimula ang rehistrasyon ng mga botante.
Nagsimula ang rehistrasyon ng mga botante para sa midterm polls ng Mayo 2025 noong Pebrero 12, at magtatapos sa Setyembre 30, 2024.
Maaaring agrehistro ang mga aplikante mula Lunes hanggang Sabado, 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon, sa anumang tanggapan ng Comelec sa buong bansa.
Bukas din ang Register Anywhere Program ng poll body para sa mga nais magrehistro upang bumoto sa mga itinalagang lugar tulad ng mga mall at paaralan.
Comments