top of page
Search
  • BULGAR

Bagong BF ng aktres, may P100M utang sa kanya… JAMES KAY LIZA: GOOD LUCK!

ni Ambet Nabus @Let's See | Sep. 20, 2024



Showbiz News

Speaking of Nadine Lustre, ano kaya ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni James Reid na hindi raw ito komportableng makatrabaho siyang muli?


Sa hinaba-haba nga rin ng panahon na naghintay ang lahat, naging big reveal nga ang pahayag ni James hinggil sa mga recent discoveries and developments sa kanyang Careless Music outfit, kasama na ang status ng mga artists at projects na under his company.


Sure kaming alam na ninyo o nabalitaan na ninyo ang naging pahayag ni James na naloko nga siya ng isandaang milyon ni Jeffrey Oh na sinabi pang ipinakiusap noon ni Liza Soberano na tulungan after itong makulong.


May pahiwatig pang tila mayroon nga umanong relasyon sina Jeffrey at Liza, though ang pag-wish lang ng “Good luck” ang sinabi ni James tungkol dito.


Pero mukha namang may pag-asa pa ang balik-tambalan nila ni Nadine. Sa ngayon nga lang ay tila hindi comfortable si James na makatrabaho ang ex-love team and ex-GF dahil may Issa Pressman siyang girlfriend.


Well, malalaman din naman natin ‘yan soon dahil balik-ABS-CBN na nga si James at may tsikang mayroon na agad itong proyektong gagawin.


 

MAPAPA-WOW ka naman talaga sa tila nag-leak na info tungkol sa “cast members” ng pelikulang inumpisahang gawin ni Queenstar for All Seasons Vilma Santos under Director Dan Villegas for Mentorque Productions.


Paano kasi, muling makakasama ni Ate Vi si Aga Muhlach na sinamahan pa ng Nadine Lustre. 


Uninvited ang title ng movie na tipong horror-mystery. Dalawa ang names ng character ni Ate Vi na nasilip namin. Siya sina Lilia at Eva, habang si Aga ay gaganap na Guilly at Nicole naman si Nadine.


At eto na nga ang sinasabing mga makakasama ni Ate Vi sa napaka-exciting na project na ito: Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez at Ron Angeles.


Si Bryan Diamante ang executive producer, with Antoinette Jadaone as producer, at supervising producers naman sina Omar Sortijas at Catsi Catalan.

Nakaka-wow naman talaga, ‘di ba? Kaabang-abang indeed!


 

NAKAKABILIB din ang prinsipyo ni pole vaulter EJ Obiena na nagiging parte na rin ng entertainment industry nang dahil sa mga celebrity friends niya na gusto siyang suportahan, plus ‘yung mga exposure niya rito.


Last Sunday, nagkaroon siya ng meet and greet na inorganisa ng isang kilalang mall sa tulong ng mga celebrity endorsers nito. Tunay namang box-office ang dagsa ng mga fans/supporters.


Hindi lang kami nakapunta dahil sa ilang personal na bagay pero ayon sa aming mga kasamahang nandu’n, malayung-malayo ito sa mga ginawa kay Carlos Yulo na ang ending ng bawat ganap ay iskandalo.


May ginagawang dokumentaryo ang pare-parehong Kapamilya, Kapatid at Kapuso Networks tungkol sa Olympic journey ni EJ at balitang may mga kilalang celebs na nagprisintang maging bahagi nito.


Nakakatuwa pa dahil nagtambakan din daw ang mga nakapilang endorsements for EJ pero big “NO” nga rito ang mag-endorse ng alcohol o mga sporting goods at serbisyong hindi niya ginagamit at pinaniniwalaan.

‘Yun na!


0 comments

Kommentarer


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page