top of page
Search
  • BULGAR

Bagong BF daw ng aktres, ipinakulong dahil sa P100 M atraso… LIZA, NAGMAKAAWA KAY JAMES NA PAKAWALAN ANG KASOSYONG SI JEFF OH



Showbiz News

Umingay na ulit ang pangalan ni James Reid. Thanks to Liza Soberano na umalis na sa management ni James, ang Careless Music. 


Pati ang rumored boyfriend ni Liza at business partner ni James sa Careless na si Jeffrey Oh ay ini-reveal ng ex (boyfriend and love team) ni Nadine Lustre na tinanggal na niya sa kanilang talent management.


Esplika ni James, tinermineyt si Jeff sa Careless dahil may mga kuwestiyonableng business practices daw na ginagawa at aabot daw sa P100 million ang atraso nito sa kanya.


‘Di nga ba’t isang malaking iskandalo ang nangyari sa business partner ni James na si Jeff nu’ng ni-raid ang kanyang bar sa Poblacion, Makati City dahil sa kakulangan ng permit?


At may mga tsika na nagmakaawa raw si Liza kay James na palabasin si Jeff sa kulungan. Nagpunta raw si Liza sa opisina ni James para humingi ng tulong na makalaya ito. 

“Nagmakaawa pala si Liza na palabasin si Jeffrey, so it means boyfriend na niya si Jeffrey? That time (wala na talagang Enrique Gil, friends na lang sila kumbaga kahit nakikita n’yo na nagla-like si Enrique sa mga posts ni Liza but Liza never likes Enrique's post,” post ng isang netizen.


Comment pa ng ibang netizen, “Malinaw ang pagkaka-deliver ni James. Liza talks about the love team in Pinoy business as a red flag and toxic, yet he is with Jeffrey Oh, that’s like a walking red flag from the get go. Tapos, jowa pa, allegedly. Going to the extent of seeking help para mapalaya. Liza girl, you are in danger.”


May bintang din ang mga netizens na magkasama sa Los Angeles (LA) sa US ang rumored couple na sina Liza at Jeffrey Oh.


Sey ng mga netizens:

“Tumakbo na si palakang Oh, kasama ng hitad na si LIEza.”

“Magkasama sila ngayon sa US. So, while it’s true na wala na si Liza sa Careless, she’s still with Jeffrey Oh.”


“Kinakatakutan ko if mabuntis at iwan ‘yan ni Jeffrey. Wala na, sira na.”

As expected, may mga nagtatanggol kay Liza sa isyung ito with Careless. At ang puntirya naman nila ay si James.


“Ano ba ‘yan? Puro drama lang ang company nito, wala namang napapasikat (laughing emoji).”


“Naging casualty tuloy si Anteh Liza, na-deads ang career. Trew? My gosh.”


Bukas ang BULGAR sa panig nina Liza Soberano at Jeffrey Oh.

 

Kung si Heart, pinuri ang ex ni Enrique…

PIA, SINIGAWAN NG 'I LOVE YOU' SI LIZA NANG RUMAMPA SA NEW YORK FASHION SHOW


Pia Wurtzbach at Liza Soberano - Circulated

SPEAKING of Liza Soberano, makikita sa reels ni Pia Wurtzbach na naka-post sa Instagram (IG) ng 2015 Miss Universe na nagkita ang dalawa sa kalsada ng New York sa Amerika.


Si Pia ang unang nakakita kay Liza na rumarampa sa New York habang nasa loob ng kotse ang dating Miss Universe pagkatapos pagkaguluhan ng mga photographers sa US.


Narinig naman ni Liza ang pagtawag sa kanya ni Pia kaya agad itong kinawayan.

May tsika ang netizen kung bakit isinama ni Pia sa kanyang reel ang pagtawag niya kay

Liza.


Again, ikinokonek ng mga netizens ang pagsigaw ng “I love you!” ni Pia kay Liza sa mga naglabasang pahayag ni Heart Evangelista tungkol sa ex ni Enrique Gil. 


Pinuri kasi ni Heart si Liza sa pagtupad nito sa kanyang Hollywood dream. And now, iba naman ang ginawang “style” ni Pia at ng kanyang team, para patunayan siguro na okey din sila ni Liza.


At least, parehong okey si Liza sa nag-iiringang sina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page