ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 26, 2021
Humarap si Kris Aquino sa media last Thursday night matapos i-cremate ang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino sa The Heritage Park sa Taguig.
“The cremation is already finished. Tomorrow, we will have a mass in Ateneo for him, and on Saturday, we will bury him beside our parents in Manila Memorial. Ganu’n kasimple lang,” ang announcement ni Kris.
Humingi ng pang-unawa si Kris sa publiko sa mabilisang funeral service for her brother dahil nga nasa pandemic pa tayo ngayon.
“Sana, maintindihan ninyo na we did not think it would happen this soon. We are just trying our best na hindi magkaroon ng super-spreader event,” aniya.
Nagpasalamat ang Queen of All Media sa lahat ng nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya sa pagyao ng kapatid.
“Nagpapasalamat kami sa lahat ng nagpapadala ng kanilang mga condolences, sa lahat ng mga nakikita naming nakikiramay sa amin, sa lahat ng mga mayors, sa lahat ng mga gobernador, sa lahat ng mga establisimyento na on their own, nag-decide na iha-half mast ang mga bandila ng Pilipinas,” aniya.
Nagpasalamat din si Kris sa pakikiramay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Maraming salamat sa Malacañang, dahil nag-reach out sila. Maraming salamat kay Presidente Duterte du’n sa kanyang nararamdaman namin na sinseridad na pagko-condole sa pamilya namin,” saad ni Kris.
Ipinahayag din ng bunso sa magkakapatid na Aquino na hindi nila inaasahan ang pangyayaring ito at labis nilang ikinagulat.
Naging emosyonal na si Kris nang ikuwento ang pagpapatawad na ibinigay sa kanya ni P-Noy bago pa man ito pumanaw. Matatandaang bukas na aklat naman ang estado ng relasyon nilang magkapatid noong nabubuhay pa ito na madalas ay nagkakaroon sila ng tampuhan.
“I wish I could say more. The only thing I can say and this is the only thing I will say - God blessed me because we have made our peace. But that is private and I would like to keep that for myself.
“But I’m so grateful na ibinigay ‘yun sa akin. At nagpapasalamat ako na napatawad ako at minahal ako. And to the end, ang itinuring niya sa akin ay ako ‘yung kanyang bunso,” pahayag ni Kris na umiiyak.
She also revealed na may pangako siyang binitiwan sa yumaong kapatid.
“Ipinangako ko sa kanya na gagawin ko ang lahat to just be even 1% of what he is as a man and as a Filipino,” she said.
Comentários