top of page
Search
BULGAR

Bago pa raw nakilala ang aktor… JANINE, UMAMING MATAGAL NANG GUSTO SI ECHO

ni Beth Gelena @Bulgary| August 26, 2024


Showbiz News
Photo: Circulations / FB

Pawang magagandang salita ang binitawan ni Janine Gutierrez nang interbyuhin siya ukol kay Jericho Rosales (Echo) matapos kumpirmahin ng aktor na nagde-date na sila. 


Naalala niyang gusto niyang makatrabaho ang aktor noon pa. Ang saya raw niya nang malaman niyang pareho silang nasa cast ng Lavender Fields (LF). 


Kuwento niya, “One of the things na sinabi ko sa manager ko, si Tito Leo (Dominguez) before he passed away and when na-pitch pa lang [itong show], they haven’t mentioned any person yet, sabi ko, ‘Sana, si Jericho.’


“Ikinuwento ko rin ‘yun kay Echo when we first met — ‘I’m so happy it’s you.’” 


Nang sabihin sa kanya na hinahangaan siya ni Echo, ganu’n din naman daw siya sa aktor.


Sey ni Janine, “That’s sweet to hear and I am super excited to work with him. Siyempre, lahat naman tayo, hinahangaan natin s’ya bilang artista, so masaya ako na kasama ko s’ya rito as Tyrone and Iris.” 


Ibinahagi rin ni Janine na enjoy siyang kasama si Echo tuwing lumalabas sila.

 

Aniya, “He’s really nice and funny and sobrang okey siyang kausap. Of course, everybody knows he’s such a good actor and na-enjoy ko rin ‘yung mga eksena namin together which is funny kasi most of the scenes [we taped], nag-aaway kami. Masaya na off camera, it’s the opposite. I think he’s great.”


“It’s been fun getting to know and hanging out with him outside of work. Masaya naman,” dagdag pa ng aktres. 


Sa isang panayam naman kay Echo, naibahagi na niyang, “She’s an amazing person — very sweet, very kind, very funny, and very dedicated. [She’s a] Good actress and we just share a lot of things [in common] and we thought ‘Hey you’re fun, I’m fun — we’re fun, let’s go to the museum.’” 


At doon na nagsimula ang sitsit tungkol sa dalawa na sila ay nagde-date, na hindi naman itinanggi ni Jericho Rosales.


 

Sen. Jinggoy, ginaya sa viral video… VICE KAY REGINE: 'WAG MO 'KONG MA-HOY-HOY. BAKIT? PORKE'T SONGBIRD KA?” 


Showbiz News
Photo: ItsShowtime / YT

Sa It’s Showtime (IS) noong Sabado ay guest si Regine Velasquez. Nag-celebrate kasi ang kanyang mister na si Ogie Alcasid sa programa ng kaarawan nito. 


Biniro ni Vice Ganda si Regine, “‘Wag mo 'kong ma-hoy-hoy. Bakit? Porke't Songbird ka?” 


Nagtawanan ang studio audience dahil pamilyar sa kanila ang linyang sinabi ni Meme Vice. Ito ‘yung nag-viral na TikTok video ni Senator Jinggoy Estrada. 


“‘Wag n’yo akong hino-hoy. Porke senador kayo?” ‘yan daw ang sinabi ng isang babae nu'ng magbibigay ng tulong si Sen. Jinggoy sa mga pamilyang nasunugan. 


Esplika ng senador, ang video ay nangyari nito lang nakaraang Abril. Dinepensahan daw niya ang kanyang sarili sa mga criticisms na kanyang natatanggap. 


Aniya, bumisita raw siya sa isang evacuation center para magbigay ng tulong. Nagkaroon umano ng mahabang diskusyon at explanation na nangyari dahil hindi sila pinayagang makapasok para personal na magbigay ng assistance sa mga nabiktima ng sunog. 


Pumagitna na raw siya sa discussion, pero mas lalo pang nag-create ng tensiyon. At ‘yun nga, nag-viral ang video ng senador kung saan ginamit ni Meme Vice ang context sa biro niya sa episode ng IS


Nagtawanan ang nasa studio audience, kaya sabi ni Meme, “Napanood ko lang ‘yung video!” 


Hindi ito ang unang beses na ginaya ang mga viral na naririnig sa Senado, tulad ng sinabi ni Alice Guo na iniimbestigahan dahil sa POGO, “Your Honor, hindi ko na po maalala.”


 

Lumabas ang pagka-witty ni Bela Padilla nang biruin niya ang contestant kung totoong Math teacher nga ba ito. 


Sa isang episode ng It’s Showtime (IS) ay naitanong kung gaano katotoo ang credentials ng contestant. 


Ayon sa contestant, siya ay isang Math teacher mula pa noong 2009 kaya 14 years na raw siyang nagtuturo ng Math. 


Pero mukhang nag-doubt si Bela na 14 years na itong nagtuturo. 


Tanong ng aktres, “Fifteen. (Year) 2024 na po, eh. ‘Yung totoo po, Math teacher po ba talaga kayo?” Nagtawanan na lang ang mga kapwa co-hosts ni Bela Padilla. 




0 comments

Comentarii


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page