ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 20, 2025
Photo: Keanna Reeves - IG
Hindi pinalampas ni Keanna Reeves ang very successful comeback ni Arnell Ignacio sa concert scene via Timeless…Music & Laughter (TM&L) sa Century Park Hotel last Saturday, February 15.
Knows sa showbiz na close friends sina OWWA Administrator Arnell at Keanna.
After the concert, nakatsikahan namin si Keanna kasama ang Kapuso artist na si Scott Lomboy. Kinumusta namin kay Keanna ang isa pa niyang beshie sa showbiz na si BB Gandanghari na dating si Rustom Padilla.
Hindi pa raw sila nagkita ni BB since bumalik ng Pilipinas ang kapatid ni Sen. Robin Padilla. If ever magkita raw sila ni BB, umaatikabong tsikahan daw ang mangyayari.
Natanong din namin si Keanna sa nangyayari sa showbiz sa pagkakasangkot ng ilang female celebrities na na-scam sa beauty products company.
“Ay, ‘yung mga na-scam? Oo nga, ‘no. Sabi nila ‘yung mga nai-scam, matatalino. Tapos ako, binansagan ninyong b*bo. Pero never ko na-experience ma-scam kasi segurista ako, eh. Kasi mukha akong pera, eh. Ang tatalino ng mga taong ‘to, bakit nai-scam sila?” emote ni Keanna.
Another hot issue sa showbiz ngayon ay ang pandyodyombag ng ex ni Karla Estrada na si Jam Ignacio sa fiancee nitong si DJ Jellie Aw.
“Bago pa mangyari ‘yun, ako muna. Unahin ko muna dyombagin. Siguro ano, ‘di naman natin makokontrol ang temper natin, ‘di ba? Lalo na ‘pag selos. Hindi naman natin sila ma-judge kung bakit nila nagawa ‘yun. Ano lang siguro, suwerte-suwertehan lang, may taong nanakit at merong hindi. Hindi naman mananakit ‘yan ‘pag nanliligaw pa. Doon mo lang malalaman ‘yan ‘pag kayo na,” diin ni Keanna.
Una raw siyang naging biktima ng pananakit, kaya siya lumayas sa kanyang ex-husband.
“Bugbog girl din ako. Ako ang pioneer d’yan kaya alam kong hindi biro ‘yan,” dagdag pa ni Keanna Reeves.
More pa? No more na!
AKTOR-PULITIKO, DATI RAW CALLBOY SA ERMITA BAGO NAGING HOSTO SA JAPAN
BLIND ITEM:
PINAGPIYESTAHAN ang post sa X (dating Twitter) kahapon tungkol sa apat na aktor na hindi na namin papangalanan dahil below the belt ang mga isyung ikinakabit sa kanila.
Ayon sa post, “(Actor-politician na ex ng aktres-politician), mabaho ang hininga, talac (sabi) ng kaeksena! - (Tsinitong aktor) nagtatago sa Japan??? - At si actor-politician is an OG hosto! Japan-Japan sagot sa kahirapan! - (Magaling na aktor) napakasarap ng kili-kili!!!”
Kani-kanyang hanash ang mga netizens sa mga aktor na nabanggit sa comment section. Unahin na natin ang actor-politician.
Sey ng mga netizens: “At before pa naging hosto si ___, callboy ‘yan before d’yan sa Ermita.
“Una pa sa mga double na sinehan ng T___ nu’ng araw, parang Alta ng Cubao nu’ng 90s… ‘yung tumatabi sa mga beki at nag-aalok ng movie ni Brillante Mendoza (joking emoji).”
“Dedma du’n sa rest… focus ako sa kilikili ni ____ (magaling na aktor) at V line (lower torso). Hahaha!”
Then, ang tsinitong aktor naman ang binanatan, “______ IS CONSIDERED A FUGITIVE NOW. ‘KAKALOKA!”
Parang ‘di naman kami makapaniwala sa aktor-pulitiko na ex ng actress-politician dahil in fairness sa kanya, mukhang lagi naman siyang mabango.
So, there.
Comments