ni Lolet Abania | July 1, 2021
Nagbitiw na sa puwesto si Lieutenant General Antonio Parlade, Jr., ang kontrobersiyal na pinuno ng Southern Luzon Command (SolCom) ng military sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Parlade, nag-resign siya sa tungkulin sa NTF-ELCAC isang buwan na ang nakararaan para mabawasan ang pressure sa mga lider ng task force na kinukuwestiyon ng mga mambabatas hinggil sa kanyang designasyon bilang kanilang spokesperson.
“Yes, I have submitted my letter of resignation addressed to the President almost a month ago,” ani Parlade sa isang text message.
“I want to ease the pressure to the NTF ELCAC principals who are being questioned by legislators for designating me in spite my being in the active service,” sabi niya.
Una nang sinabi ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagbitiw na si Parlade sa NTF-ELCAC maraming linggo na ang nakararaan.
Ayon kay Lorenzana, hindi lamang niya batid kung kukunin ulit si Parlade ng NTF-ELCAC matapos ang retirement sa military service sa July 26.
“He has resigned from ELCAC many weeks ago. I don’t know if he will be hired by the NTF,” saad ni Lorenzana.
Samantala, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Huwebes, July 1, na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni Parlade bilang NTF-ELCAC spokesperson.
Comentários