ni Jasmin Joy Evangelista | February 26, 2022
Pinaalalahanan ng budget carrier na Cebu Pacific ang mga customer na may existing travel funds na gamitin ito bago ang expiry date nito.
Sa isang pahayag, sinabi ng Cebu Pacific na ang “Travel Fund” ng mga pasahero ay puwedeng gamitin para makapag-book ng flights bago ito ma-expire, sa pamamagitan ng pagpili ng flight schedule hanggang sa susunod na taon.
Ang Travel Fund ay ang halaga ng bookings na na-store sa isang virtual wallet na puwedeng gamiting pambayad sa mga transaksiyon sa website ng Cebu Pacific — puwedeng sa flights o add-ons tulad ng baggage allowance, travel insurance, preferred seats, meals, at marami pang iba.
Ayon sa airline, mayroon itong ongoing Juan Love “Sama-summer together” seat sale na nag-o-offer ng domestic flights for as low as P88 one-way base fare.
Ang seat sale ay hanggang February 28, 2022, para sa mga biyahe ngayon hanggang July 31, 2022.
Tinatanggap dito ang “Travel Fund” bilang mode of payment, ayon sa Cebu Pacific.
Comments