top of page
Search
BULGAR

Bago pa ang Araw ng mga Puso… Presyo ng bulaklak, triple na

ni Lolet Abania | Pebrero 5, 2023




Pumalo na sa halos triple ang presyo ng mga bulaklak, mahigit isang linggo pa bago ang Valentine’s Day sa flower market sa Maynila.


Ayon sa mga tindera sa Dangwa Flower Market sa Sampaloc, Manila, papasok pa lang ng Pebrero tumaas na ang presyo ng kanilang mga bulaklak dahil kulang anila, ang supply ng mga ito bunsod ng malamig na klima.


Kung noon ay mabibili ang isang dosenang rosas ng P500, sa ngayon nasa P1,200 na ang presyo nito. Gayundin, ang dating 10 tangkay ng carnation na P180, halagang P300 na ito sa ngayon, at ang 10 tangkay ng Gerbera na dating P180, sa ngayon P300 na ito.


Umabot naman sa P1,500 ang presyo ng isang bundle ng imported roses mula sa dating P1,000. Tumaas din ang presyo ng sunflower, na ngayon ay P800 kada bundle mula sa datingP500.


Ayon din kay Margie Sebastian, Flower Vendor Association of Legazpi City Secretary, dahil Valentines season at malamig na panahon sa Baguio City, kaya asahan na umano ang pagtaas ng presyo ng mga rosas.


“Malamig ang klima sa Baguio kaya ang mga rosas ay hindi masyadong namulaklak kaya kulang din ang supply. Dahil diyan, asahan ang pagtaas ng presyo,” paliwanag ni Sebastian. Gayunman, mas naging madali na sa mga tindera ang pagbebenta at delivery iba’t ibang klase ng mga bulaklak sa tulong ng social media at ng mga online shop.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page