top of page
Search
BULGAR

Bago nabiktima ng direktor… AHRON, UMAMING NAMOLESTIYA NG TITSER NU'NG BATA PA

ni Ambet Nabus @Let's See | August 27, 2024



Showbiz News
Photo: Ahron Villena

Matapang ang naging pagsagot ni Ahron Villena sa pahayag ng isang direktor patungkol sa tila pagiging normal at matagal nang kalakaran sa showbiz ng “sexual favors, assault, harassment,” atbp.. 


Bagama’t hindi pinangalanan ni Ahron ang award-winning director, marami ang naniniwala na si Direk Joel Lamangan ang direkta niyang pinatatamaan sa tila pangmomolestiyang ginawa sa kanya noong minsan siyang gumawa ng pelikula sa ilalim nito, dahil si Direk Joel lang ang may latest statement sa isyung pinagpipiyestahan ngayon sa showbiz.


Kilalang-kilala namin sina Direk Joel at Ahron. Ilang beses na rin kaming lumabas sa mga pelikula ni Direk Joel, at ang pinakamapangahas na ginawa ko ay ang pagbibigay sa akin ng role na ‘deaf-mute customer’ na pumipik-ap ng mga masahista sa isang spa na tinatawag na Heavenly Touch. 


Talagang very touchy ang naging role ko roon, na labis na ikinagalak ni Direk Joel at natawa nang malakas sa aking portrayal.


Samantala, nasubaybayan namin ang career ni Ahron mula nang siya ay magsimula sa isang reality search sa noontime show ng ABS-CBN, kung saan siya ang naging grand winner. 


Magkasama pa kami noon sa radyo kasama si ‘Nay Cristy Fermin sa DZMM, at doon nga niya naikuwento ang kanyang karanasan sa kanyang “school teacher” na nangmolestiya sa kanya noong bata pa siya. 


Matagal na siyang matapang at diretsong maglahad ng kanyang kuwento, kaya't hindi na kami nagulat sa kanyang pahayag ngayon. 

Sa mga pangyayaring binanggit niya, nakahanap ba siya ng hustisya?


 

BFF ni Andrea, join sa mga

biktima ng sexual abuse… 

BEA BORRES, KUMANTANG IBINI-VIDEO NG KUYA HABANG HUBAD NA NALILIGO


Bea Borres sa Toni Talks

KONTROBERSIYAL din ang blogger na si Bea Borres sa mga panahong naglalabasan ang mga kuwento ukol sa sexual exploitation, assault, at iba pa. 


Sa vlog ni Toni Gonzaga, inilahad din ni Bea ang karanasan niya sa kanyang sariling kapatid (kuya) na madalas umanong kinukunan siya ng video habang naliligo nang nakahubad. 


Kung pinagkakakitaan ito ng kapatid sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanyang mga kaibigan, hindi alam ni Bea na gawain ito ng kanyang kuya. Lumaki siya sa isang pamilya na hindi niya naramdaman na buo ang pagmamahalan.


Si Bea ay kaibigan ni Andrea Brillantes, na kumampi sa dalaga noong kasagsagan ng usapin kina Andrea at Ricci Rivero. 


Hinamon ito noon ng basketball star na maglabasan ng “labada sa public” nang magkaalaman kung sino ang may “kabit at sabit”.


Sa ginawang ito ni Bea, dala ng “init” ng isyu sa mga sexual assaults at exploitation, masasabi kaya nating mukhang labandera na rin siya? Humihingi ba siya ng hustisya o simpleng naglalaba lang?


 

AT dahil dito, ano kaya ang mangyayari sa panawagan ngayon ng mga netizens tungkol sa Batang Quiapo (BQ) show? 


Bigla kasing nagkaroon ng call-out sa show dahil umano sa tila nagiging normal na rin ang pagtrato sa mga babae bilang sex objects, api-apihan at ginagamit ng mga lalaki na parang laruan. 


Naging sentro ng mga panawagan ang usaping “rape”, na malaking bahagi raw ng mga karakter ng mga babae sa naturang serye, pati na rin ang pag-romanticize ng mga “kabitan” item. 


Ang mga binanggit na “na-rape” sa show nang hindi naibibigay ang due justice ay sina Cherry Pie Picache, Lovi Poe, Ivana Alawi, Yukii Takahashi, hanggang kay Ara Davao. 

May nagbiro pa ngang, “Naku, ‘di imposible na ma-rape rin d’yan si Barbie Imperial o kahit na si Rosanna Roces.”


Nakaabot na kaya kay Direk Coco Martin ang usaping ito, bilang siya rin ang writer at direktor ng BQ? O baka may sinusunod lang na ‘template’ ang production sa kung ano ang “hit” sa panlasa ng audience?

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page