top of page
Search
BULGAR

Bago ang Eid al-Adha… Palengke pinasabog, 35 patay, 60 sugatan


ni Lolet Abania | July 20, 2021



Nasa 35 katao ang namatay habang marami ang sugatan matapos pasabugin ng isang suicide bomber ang mataong palengke ng Sadr City, karatig ng Baghdad, Iraq, nitong Lunes nang gabi bago ang pagdiriwang ng Eid al-Adha.


Ayon sa mga awtoridad, mahigit sa 60 indibidwal ang malubhang nasugatan dahil sa insidente.


Inamin naman ng Islamic State na sila ang responsable sa pag-atake, batay sa Nasheer news agency sa isang telegram, kung saan pinasabog ng isa sa kanilang mga militants ang kanyang explosive vest sa karamihan na nasa pamilihan.


Base rin sa hospital sources, posibleng madagdagan ang bilang ng mga nasawi sa insidente dahil ilan sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kondisyon.


Agad namang nagpatawag ng pulong si Prime Minister Mustafa al-Kadhimi sa kanyang top security commanders upang resolbahin ang naganap na pag-atake.


Gayundin, nag-post si President Barham Salih sa kanyang Twitter account na nagsasabing: “With an awful crime they target civilians in Sadr City on the eve of Eid ... We will not rest before terrorism is cut off by its roots.”


Matatandaang noong Abril, ang Sunni Muslim militant group Islamic State ay umaming responsable sa pagsabog ng isang kotse sa isang palengke rin ng Sadr City, sa Shi’ite Muslim karatig ng Baghdad kung saan 4 katao ang nasawi at 20 ang sugatan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page