ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 16, 2021
Ibinalik sa intensive care unit (ICU) para sa non-COVID patients si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada matapos ma-diagnose ng bacterial lung infection, ayon sa kanyang anak na si ex-Senator Jinggoy Estrada ngayong Biyernes.
Pahayag ni Jinggoy sa kanyang Facebook post, “We wish to announce that my father had a slight setback last night as his doctors found a super imposed bacterial lung infection. "He has been brought back to the regular ICU (non-COVID) for monitoring and support of his blood pressure which fluctuated due to the said infection."
Ayon din kay Jinggoy, stable naman ang lagay ng kanyang ama. Aniya pa, “But overall, he is stable with high flow oxygen support.”
Nanawagan din si Jinggoy ng dasal para sa agarang paggaling ni Erap at ng lahat ng tinamaan ng COVID-19.
Aniya, “Once again, we ask for your prayers for his immediate recovery and also to all those infected with COVID-19."
Si Erap ay nagpositibo sa COVID-19 noong nakaraang buwan at dinala sa ICU dahil sa pagkakaroon ng pneumonia.
Noong April 9, tinanggal ang ventilator support sa kanya at inalis siya sa ICU noong Martes matapos magnegatibo na sa COVID-19.
Comments