ni Angela Fernando - Trainee @News | February 29, 2024
Napatunayan ng Korte Suprema na guilty sa indirect contempt si Lorraine Badoy-Partosa, dating tagapagsalita ng Anti-insurgency Task Force ng pamahalaan, matapos i-redtag ang isang judge ng Manila Regional Trial Court (RTC).
Sa isang 51-pahinang hatol na isinulat ni Associate Justice Marvic Leonen, iniutos dito na si Badoy ay magbayad ng multa na P30-k at binalaang umiwas sa katulad na gawain o haharap siya sa matinding parusa.
Ito ay matapos magbitaw ng mabigat na pahayag si Badoy laban kay Manila RTC Judge Marlo Magdoza-Malagar sa social media nu'ng Setyembre 2022.
Matatandaang inatake ni Badoy si Magdoza-Malagar at tinawag itong "idiot judge" matapos ibasura ang kaso ng pamahalaang ideklara ang Communist Party of the Philippines at ang kanilang armadong hanay na New People's Army bilang teroristang organisasyon.
Comments