top of page
Search
BULGAR

Badoy at Parlade, guilty sa red-tagging — Ombudsman

ni Jeff Tumbado @News | September 22, 2023




Guilty umano sina dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy at dating Philippine Army Lt. General Antonio Parlade, Jr. sa paggawa ng maling impormasyon at pag-red-tagged sa National Union of Peoples Lawyer (NUPL) noong Duterte administration.


Ito ang naging hatol at desisyon ng Office of the Ombudsman sa kaso nina Badoy at Parlade kasabay ang pagbibigay ng pangaral sa mga ito patungkol sa ginawang maling aksyon bilang alagad ng gobyerno.


Sa inilabas na desisyon ng ahensya kahapon, at nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires noong Agosto 9, 2023, kapwa sinermunan nito ang dalawang dating opisyal makaraang mapatunayang may merito o balido ang reklamo na inihain ng NUPL.


Subalit, sinabi ng Ombudsman na walang rason para kasuhan ng grave misconduct ang dalawang dating opisyal ng NTF-ELCAC dahil ang red-tagging o red-baiting ay hindi saklaw sa konstitusyon ang intensyonal na pagkakamali o sadyang lumabag sa batas.


Sa kabila nito, nagkasala ang dalawa sa paglabag naman sa tinatawag na “conduct prejudicial to the best interest of the service” dahil ang kanilang naging pahayag na inilabas laban sa NUPL ay malinaw na kritisismo at pinagbintangang komunistang samahan.


Sina Badoy at Parlade ay nahaharap sa kaliwa't kanang reklamo sa Ombudsman dahil sa walang tigil na red-tagging sa mga grupo o indibidwal na pinagkakamalang komunista.



0 comments

Recent Posts

See All

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page