ni Imee Marcos @Imeesolusyon | October 5, 2023
Hindi pa rin mapatid-patid ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Lalo na ang mga gulay-gulay na nakakalula ang presyo.
Ayon sa ating farmers, nasalanta sila ng mga nagdaang bagyo, dire-diretso ang oil price hike. Kung magbigay man ng rollback sa gasolina, barya-barya lang.
Kaya dagdag factors ang mga ‘yan sa pagtaas ng bilihin. Nakupo, saan makakarating ang badyet ng maraming nanay!
Ni singkong duling wala nang matitira sa kanilang mga bulsa. Santisima! Kaya nga itong aking ading na si Bonget eh, sikap to the max na gawan ng paraan.
Biruin n’yo ha, kinanti na at ibinasura ang hirit ng kanyang economic managers na tapyas sa taripa ng mga imported na bigas. Mabuhay ka Ading!
Eh, dagdag pahirap talaga kasi ‘yan sa mga farmers natin. Lalo silang mababaon sa utang, sa hirap ng buhay, kukumpetensyahin pa kasi sila ng mga imported na agri-products na mas mura.
Saka buti nga, ‘yang “pass through fee” ng mga nagta-transport ng mga agri-products ipinatatanggal na ni Bonget.
Ang sa’kin lang para lalo tayong makatulong sa farmers at mapababa ang presyo ng agri-products, LGUs na ang kumana ng tax structure.
IMEEsolusyon na LGUs na ang maglabas ng executive order o utos na alisin ang paniningil ng “pass through fee”. Para naman mas bumilis ang implementasyon.
Kapag naalis ang mga dagdag gastos sa shipment ng mga agri-products, makababawas din ‘yan sa presyo ng bilihin. ‘Di bah?!
IMEEsolusyon din na tayo namang mga nanay, ibalik, buhayin ang Green Revolution!
Nowadays, ‘yan na ang tamang remedyo. Kailangan tayong magbalik-backyard farming.
Abah eh, kumuha lang ng mga plastik na bote, doon itanim ang mga gulay gaya ng sibuyas, kamatis, talong, okra at iba pa na madaling tumubo. Bawas ‘yan sa ating gagastusin sa pamamalengke ‘di bah?
Saka take note, ‘yung mga malunggay ha, ‘wag kakalimutan. Patusuk-tusok lang ang peg n’yan sa mga paso, o maliit na bahagi ng lupa sa inyong mga bahay, tutubo na.
Remember, madaling itanim, masustansya pa!
Ika nga, ang mga Pinoy, dalhin mo kahit saan basta may lupa, o kahit sa mga bote, maparaan para mabuhay. Tanim-tanim lang ‘pag may time makakakain na!
Commenti