top of page
Search
BULGAR

Background check sa presidentiables, tuloy-tuloy — PNP

ni Lolet Abania | January 26, 2022



Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) na sila ay nagsasagawa ng “continuous” background check sa lahat ng presidential aspirants kasunod ng naging statement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y corrupt candidate na tatakbo sa 2022 elections.


“Continuous naman po ‘yun,” sabi ni PNP chief Police General Dionardo Carlos sa isang press conference ngayong Miyerkules.


“At the end of the day, we will not jump the gun. We are not directed to name names. We will just do our work. Submit our report to our command line, leadership,” paliwanag ni Carlos.


Sa isang pre-recorded na Talk to the People ng Pangulo na ipinalabas nitong Martes, binanggit ni Pangulong Duterte na ilalantad din niya sa publiko kung sino sa mga presidentiables ang aniya, “most corrupt.” “In due time, I will personally name the candidates, maybe what is wrong with them.


Kailangan malaman ng tao, because you are electing a president,” sabi ng Punong Ehekutibo.


“[I will tell you] kung sino iyong pinaka-corrupt na kandidato. Hindi ako namumulitika. I am talking to you as your president. There are things you must know,” diin pa ni Pangulong Duterte.


Sa naunang pahayag, inakusahan ni Pangulong Duterte ang isang hindi pinangalanang kandidato na aniya ay isang cocaine user. Ayon kay Carlos, wala pa rin silang ebidensiya na susuporta sa pahayag ng Pangulo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page