top of page
Search
  • BULGAR

Baby no. 3 nina Kryz at Slater, ipinakilala na

ni Eli San Miguel @Entertainment News | July 1, 2024



Entertainment News


Labis ang saya ng mga vloggers at podcasters na sina Kryz Uy at Slater Young nang inanunsiyo nila ang pagsilang sa kanilang ikatlong anak na si baby Saxon Kent. Parehong ibinahagi ng mag-asawa ang magandang balita sa kanilang mga Instagram accounts.


Sa isang collaborative post sa IG, nag-upload si Kryz ng isang video compilation para ianunsiyo ang kanyang panganganak, habang si Slater naman ay nag-upload ng isang serye ng mga larawan bilang pasulyap sa mas lumaki nilang pamilya.


“Welcome to the world, our baby Saxon Kent. We are so so so happy to meet you,” ani Uy sa kanyang caption. “First night home as a family of 5!!! Welcome home Little Cute! [heart emoji] Ang gulo na neto [laughing emoji],” saad naman ni Slater sa kanyang post.


Gumawa rin ng vlog si Kryz tungkol sa kanyang panganganak sa ospital, na ini-upload niya sa kanyang YouTube channel.


Sa vlog, inihayag ni Uy na siya ay nanganak noong Hunyo 22. “I’m so grateful for baby no. 3 finally out joining our family. Hopefully, last na ‘to. Lord, ayoko na,” aniya. “Hopefully, for me, for my sake, this will be my last baby,” dagdag pa niya.


Ikinasal sina Uy at Young noong 2019, at nagkaroon ng panganay na si Scottie noong 2020 at ng pangalawang anak na si Sevi noong 2022. Inanunsiyo ng mag-asawa ang ikatlong pagbubuntis ni Uy noong Disyembre 2023, at inihayag nu'ng Enero na inaasahan nila ang isa pang batang lalaki.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page