ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 17, 2021
Balitang-balita na ang gagawing pagku-quit sa showbiz ng magaling na aktor na si Jericho Rosales.
Tapos na ang kontrata niya sa Star Magic last March 2020. At sa panahon ng lockdown ay hindi na siya tumanggap ng project sa telebisyon.
May dumating na offer sa kanya upang lumabas sa isang movie project sa Los Angeles, California, USA. Isang Fil-Am ang magdidirek nito.
Wala pang ibinibigay na detalye si Jericho tungkol sa nasabing project. Basta nag-post lang siya sa social media na kailangan niyang huminga at magkaroon ng bagong kapaligiran.
Hindi rin sinabi ni Echo kung kailan siya lilipad papuntang LA. Pero, nakasama pa siya nina Coco Martin at Julia Montes na nag-shooting sa Palo, Oriental Mindoro.
Ayon naman sa malalapit na kaibigan ni Jericho, hindi for good ang gagawing pag-alis ng aktor sa 'Pinas. Katulad ni John Lloyd Cruz, kailangan lang ni Echo ng pahinga dahil dumanas siya ng depression dala ng COVID pandemic.
Nagsara pa ang kanyang mga negosyo at pati ang ABS-CBN ay nawalan ng prangkisa.
Yorumlar