top of page
Search
BULGAR

Babalang sasampolan ang smugglers at hoarder ng agri products, seryosohin!

ni Leonida Bonifacio Sison - @Boses | February 6, 2021


Anumang panahon, tila walang pinalalampas ang mga nananamantala.


May pandemya man, ayaw paawat ng ilan nating kababayan.


At ngayong patuloy ang pagsirit ng presyo ng karneng baboy at manok, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tugisin ang mga smuggler at hoarder ng agricultural products.


Ito ay upang mapigil ang patuloy na pagsirit ng karneng baboy ay manok.


Gayundin, inatasan ng pangulo ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na makipagtulungan sa iba’t ibang tagapagpatupad ng batas para tugisin ang mga nananamantala sa sitwasyon sa kabila ng COVID-19 pandemic.


Inaprubahan din ng pangulo ang rekomendasyon ng DA na bumuo ng isang sub-task group on economic intelligence para sa gagawing pagtugis sa mga smugglers at profitters.


Samantala, isusulong din ng DA ang pag-review ng Minimum Access Volume (MAV) o ang volume ng agricultural commodity na maaaring i-import na mas mababa ang buwis.


Sa dami ng problema ng bansa, dapat lang masampolan ang mga nananamantala, tulad ng mga smuggler at hoarder.


Hindi na nga sila nakakatulong, pahirap pa sa ordinaryong mamamayan.


Nakadidismaya dahil sa halip na piliing tumulong sa mga naghihikahos nating kababayan, hayan kayo at gumagawa pa ng kalokohan.


Sana ay magsilbing babala ito sa lahat ng nananamantala riyan na kahit kailan, hindi magiging tama ang ginagawa n’yo. At isa pa, tiyak na may kalalagyan din kayo.


Samantala, pakiusap sa mga awtoridad, tiyaking pananagutin ang dapat managot at walang makalalampas upang seryosohin ng ating mga kababayan ang bawat paalala at babala.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni LEONIDA BONIFACIO SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page