ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | April 11, 2021
Dear Doc Shane,
Madalas manginig ang aking mga kamay na para bang ito ay pasmado. Nahihirapan kasi ako lalo na kapag nasa harap ng computer. Minsan, kapag nasa bahay ako ay ibinababad ko ito sa maligamgam na tubig na may asin na nawawala naman pero bumabalik din. Ano kaya ito? – Narya
Sagot
Ayon sa pagkakalarawan mo na panginging ng mga kamay ay posibleng medical condition na hyperthyroidism na ang problema ay sa metabolismo ng thyroid gland. Ang secretion ng thyroid hormone ay nagiging hyper kaya ang iba’t ibang bahagi ng katawan ay nagiging hyper din tulad ng mga sumusunod:
Nanginginig ang mga kamay
Labis na pamamawis at pakiramdam na palaging init na init
Palpitation o malakas na pagtibok ng puso
Hindi mapakali o restless
Pagbaba ng timbang
Mabilis kung kumilos
Madalas na pagbisita sa toilet na parang nadudumi
Kinakailangang ipasuri ang iyong dugo sa laboratoryo para sa T4 at TSH dahil kung mataas ito, malamang na may hyperthyroidism. Ipakita ang resulta sa doktor para malaman kung ano talaga ang problema at ng mabigyan ng tamang gamot.
Comments