top of page
Search
BULGAR

Babala sa mga sumasakit ang tuhod!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | December 28, 2020





Dear Doc. Shane,


Madalas sumasakit ang aking tuhod lalo na sa pag-akyat at pagbaba ng hagdanan, kaya pinaiinom ako ng anak ko ng glucosamine. Bata pa naman ako para makaranas ng ganito dahil 40 years old lang ako. Ano ba ang sanhi nito at ano ang puwedeng inumin bukod sa supplement? – Mocha


Sagot


Ang rayuma ay puwedeng lumabas kahit na anong edad, subalit mas madalas magsimula ito sa edad 20 hanggang 40 subalit, mas common ito sa mga babae kaysa sa mga lalaki. Ang inaatake ng rayuma ay ‘yung mga joints ( hugpungan), pati na rin ang nakapalibot na kalamnan, ugat at litid.


Ang tinatawag na Osteoarthritis (OA) ang siyang pinaka-common na arthritis at madalas na maapektuhan ay mga may edad na pasyente.


Ang Rheumatoid Arthritis naman ay mas common sa kababaihang edad 40 hanggang 60 kaysa sa kalalakihan.


Hindi tiyak ang sanhi ng rayuma, subalit sinasabing ito ay dala ng genetic defect na tumitira sa ating autoimmune system. Dahil ang rayuma ay kadalasang lumalabas matapos ang trauma, stress, menopause, operasyon at panganganak, nag-iisip tuloy ang mga mananaliksik na baka ito ay may kaugnayan sa endocrine at metabolic factors.


Kapag iginagalaw ang mga joints, sumasakit ito kaya mas nakararamdam ka ng kirot lalo na sa pag-akyat ng hagdan o paggalaw sa parteng may rayuma. Sa katagalan ang rayuma ay nagdudulot ng deformity sa bahaging apektado.


Ang gamot na ibinibigay sa may rayuma (ibuprofen, naproxen na, gold salts, chloroquine at tenoxicam) ay pawang pampakalma lamang. Ang ginagamot lamang natin ay ang sintomas ng rayuma at hindi ang sanhi nito.


Ang isang physical o occupational therapist ay makatutulong sa pasyenteng may arthritis para mapabuti nito ang kanyang mga nararamdaman, maaari ring magbigay sila ng tamang diet lalo na kung kayo ay overweight o ino-over stress ninyo ang inyong joints at tutulungan din kayong mag-decide kung ano ang uri o tamang sapatos na bibilhin lalo na kung apektado ang mga parteng iyon.


Makatutulong din para sa kirot ang paggamit ng icepacks o heating pads para ma-relax ang muscle spasm sa palibot ng apektadong joints.


Ayon sa ilang experts, mainam ang well balanced diet para sa isang pasyenteng may arthritis lalo na kung overweight ito, bawasan ang pagkain ng red meat, cream at cheese at mga matataba at matatamis na pagkain. Mainam ang Omega 3 fatty acids sa mga oily fish tulad ng sardines, herring, trout at salmon. Dagdagan din ang pagkain ng mga gulay at prutas.

0 comments

Bình luận


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page