top of page
Search
BULGAR

Babala sa madalas ma-ihi!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | April 28, 2021


Dear Doc. Shane,

Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol sa cystitis at sintomas nito? Ako ay limang buwang buntis ngayon at sabi ng doktor ay hindi raw ito UTI, kundi cystitis. Kailangan ko raw uminom ng maraming tubig at antibiotic dahil dito. – Menggay

Sagot

Ang cystitis o bladder infection ay sanhi ng bakterya. Pinaka-common na sintomas nito ay ang madalas na pag-ihi, nakararanas ng sakit o mainit na pakiramdam tuwing iihi.

Mas common ang cystitis sa kababaihan lalo na sa panahon na sila ay buntis. Mas prone ang babae sa cystitis dahil sa mga sumusunod:

  • Malapit ang urethra patungong vagina sa anus

  • Maaaring pagmulan nito ang sexual intercourse

  • Ang pregnancy mismo ay nakai-interfere sa pag-e-empty ng bladder

  • Ang pagkaunti ng estrogen sa menopausal period ay nakapagpapanipis ng vaginal at vulvar tissues sa paligid ng urethra (atrophic vaginitis and atrophic urethritis) na maaaring mag-expose sa babae sa paulit-ulit na cystitis

Narito ang ilang sintomas ng cystitis:

  • Pakiramdam na palaging naiihi. Ang madalas na pag-ihi ay posibleng maging sanhi ng hindi makontrol na pag-ihi (uncontrollable loss of urine) lalo na sa matatanda

  • Lagnat

  • Nakararamdam ng sakit sa itaas na bahagi ng pubic bone at minsan ay masakit din sa lower back

  • Madalas na pag-ihi sa gabi (nocturia)

  • Cloudy ang ihi at maaaring mayroong dugo

Maaaring mawala ang cystitis kahit walang treatment. Minsan, ang cystitis ay walang sintomas, partikular na sa matatanda at nakikita lamang sa urinalysis o pagsusuri sa ihi.

Ang cystitis ay karaniwang nagagamot sa pamamagitan ng antibiotics subalit, mahalagang magpasuri muna bago uminom ng gamot. Kung may sumasakit na parte ng urinary tract, binibigyan din ng pain reliever ang pasyente. Ang pag-inom ng tubig ay nakatutulong ding ma-prevent ang cystitis. Sa pamamagitan nito, ang urine ay nakahuhugas sa bakterya palabas ng bladder.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page