top of page
Search
BULGAR

Babala ng BAP… Mag-ingat sa online banking fraud

ni Jasmin Joy Evangelista | November 27, 2021



Nagbabala ang Bankers Association of the Philippines (BAP) hinggil sa mga gumagamit ng online banking para sa kanilang mga transaksiyon ngayong panahon ng pandemya.


Ayon kay Jose Veloso, pangulo ng Bankers Association of the Philippines (BAP), hindi rin nagpapahuli ang mga kawatan sa pag-iisip ng paraan kung paano makapagnanakaw ng pera sa bank account ng isang tao.


Kadalasan, tumatawag, nagte-text, o nag-i-email ang mga hacker at kinukuha ang personal na impormasyon ng biktima tulad ng pangalan, birthday at password.


Dahil dito, nagpaalala si Veloso na mabuting tawagan muna ang bangko at magtanong hinggil sa natanggap na tawag, text, o email upang makasiguro.


Pinayuhan din niya ang lahat ng mga gumagamit ng online banking na gawing mas secure ang password at huwag na huwag magbibigay ng impormasyon tungkol sa inyong bank account.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page