ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 9, 2023
KATANUNGAN
Paano ba malalaman sa pamamagitan ng guhit ng aking palad kung kailan ako magkakaroon ng boyfriend?
Sa edad ko kasing 31-anyos, hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako nagkaka-boyfriend. Hindi naman sa naiinip ako, naisip ko lang na parang hindi na yata ito normal. Samantala, ang ibang mga kasabayan ko ay may kani-kanya ng boyfriend at ang iba ay may mga asawa’t anak na.
Maestro, sa palagay mo ba kailan ako magkaka-boyfriend at kailan din kaya ako makakapag-asawa?
KASAGUTAN
Dalawang klase ang tinitingnan sa guhit ng iyong palad. Una ay ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) kung saan, sa kaso mo may namataang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na isang beses ka lang iibig ng tapat na sa bandang huli ang boyfriend mong iniibig ay siya na ring iyong mapapangasawa at makakatuluyan.
Habang bukod sa Marriage Line (arrow a.) may tinatawag pang guhit ng fling na relasyon (Drawing A. at B. f-f arrow b.) na matatagpuan sa ilalim ng daliring hinlalaki sa gilid ng iyong palad.
Sa kaso mo, may isang guhit ng fling na relasyon (arrow b.) na magaganap bago ka tuluyang makapag-asawa. Ibig sabihin, bago ka magka-boyfriend magkakaroon ka muna ng karelasyon, pero hindi naman ito seryosong relasyon o hindi naman gaanong magtatagal at pagkatapos nga ng nasabing relasyon na hindi gaanong magtatagal, sa ikalawang pakikipagrelasyon mo, ito na ang kaisa-isang iginuhit sa Marriage Line (Drawing A. at B. 1- M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na sa bandang huli ay mauuwi rin sa isang maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, Elvira, ang umusbong at kusang tumubo na Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad (1-M arrow a.) humigit kumulang sa edad mong 32 hanggang 33 pataas, magkakaroon ka ng seryoso at pangmatagalang relasyon na siya na ring magiging asawa mo, pero bago dumating ang lalaking nabanggit, tulad ng naipaliwanag na, magkakaroon ka muna ng fling na relasyon (arrow b.) at ang lalaking ito ay darating sa taon ding ito ng 2023, sa edad mong 31 ngunit makalipas ang mga ilang buwan ay tuluyan din itong maglalaho, sa pagsapit ng susunod na taong 2024 sa edad mong 32 pataas mami-meet mo na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran na nagtataglay ng zodiac sign na Capricorn na siya na ring makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Comments