ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 8, 2023
KATANUNGAN
Bakit isang beses lang ako nagka-girlfriend at pagkatapos nu’n ay hindi na ulit ito nasundan hanggang sa umabot ako ng edad 38? Sa palagay mo, Maestro, sa edad kong ito ay magkaka-girlfriend pa ba ako kahit ako ay mahiyain sa babae?
Mahirap kasi ang kalagayan ko ngayon, ‘yung mga babaeng ka-level ko ay may mga asawa at pamilya na, kaya na-oobliga akong manligaw sa mas bata sa akin. Pero malayo ang interes at mundo namin sa isa’t isa, kaya parang hindi rin ako masaya kapag kasama ko sila.
Sa ngayon, may nililigawan akong 23 years old, pero pinanghihinaan na naman ako ng loob. Medyo malaki kasi ang agwat ng edad namin at hindi ako maka-relate sa mga gimmick niya.
Ano nakikita mo sa mga palad ko, Maestro? Sa edad kong ito, makakapag-asawa pa ba ako at magkakaroon ng masaya at simpleng pamilya na pangarap ko?
KASAGUTAN
Teroy, ‘wag ka nang malungkot o mamroblema dahil nakakatuwang makita na may kaisa-isang bagama’t napadulo, gumuhit pa rin nang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ito ay malinaw na tanda na sa matagal mong paghihintay, darating din ang panahong may isang babae na halos ka-edad at ka-level mo sa lipunan na iyong ginagalawan at lugar na iyong kinabibilangan ang tuluyang lulutang.
Sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, ang iyong paghahanap ay mapupunan ng babaeng naghahanap din ng makakasama sa buhay. At tulad ng nasabi na, sa panahong inilaan ng kapalaran, siguradong pagtatagpuin ang inyong landas upang bumuo ng wagas, matimyas at panghabambuhay na pagmamahalan.
MGA DAPAT GAWIN
Samantala, ayon sa iyong mga datos, hindi ang kasalukuyan mong nililigawan na mas bata sa iyo ang iyong mapapangasawa o makakasama habambuhay. Mas mainam pang itigil mo ang panliligaw sa kanya upang hindi masayang ang iyong effort, time at resources.
Sa halip, ayon sa iyong mga datos, sa mid-year ng taong ito at sa edad mong 38 pataas bago mag-40, isang babaeng nasa late 30s ang darating na nagtataglay ng zodiac sign na Scorpio. Ang babaeng ito na medyo chubby o mataba ang pangangatawan ang siya na nang nakatakda mong mapangasawa at makasama sa pagbuo ng simple pero maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Opmerkingen