ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 13, 2022
Pinagpiyestahan na naman ng mga Marites sa social media ang latest Facebook post ni Heart Evangelista last Sunday kung saan isang lumang painting niya ng umiiyak na babae ang makikita.
Samu't sari ang espekulasyon ng mga netizens tungkol sa naturang painting at ang iba ay ikinakabit pa ang caption ni Heart na "Goodbye 2013" sa maingay na maingay na hiwalayan nila ngayon ng mister na si Sen. Chiz Escudero.
May mga nagsabing year 2013 daw sila ikinasal ni Chiz kaya ang "Goodbye" ay nagsasabing babu na rin siya sa mister, which is sobrang mali naman dahil Feb. 15, 2015 ang wedding date nila na ginanap sa Balesin.
Napakamisteryoso pa rin kasi ng mga ipino-post ni Heart kaya hindi mo masisisi ang mga tao na makapag-isip ng kung anu-ano.
Meron tuloy nagsasabing ine-enjoy ng aktres-entrepreneur ang isyu ng hiwalayan nila ni Chiz kaya 'di siya nagsasalita para patuloy siyang pag-usapan at laging laman ng social media at mga pahayagan.
Well, tulad ng sinabi namin, sina Heart at Chiz lang ang makakapagbigay-linaw sa totoong estado ng relasyon nila.
At hangga't tikom ang kanilang bibig, mahirap paniwalaan ang mga lumalabas na kuwento ngayon.
תגובות