ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | September 7, 2022
Panahon na ng taniman ng palay ngayong Setyembre hanggang Oktubre.
Sumipa na naman ang presyo ng mga abono, tulad ng Urea, kaya maraming magsasaka ang nasa balag ng alanganin kung makakayanan pa bang magtanim.
Eh, kaya naman, asa to the max ang ating mga farmers sa ayudang P5K na ipinangako nitong mga unang bahagi ng taon ng Department of Agriculture.
Pantulong 'yan sa pambili ng napakamahal na abono at iba pang farm inputs.
Pero tila laban-bawi ang mga ngiti ng ating mga magsasaka sa inaasahang ayuda, eh, inabot na lang ng planting season, hanggang ngayon ay bokya pa, bomalabs pa ang ayuda! Ano ba DA?
Katwiran ng DA, nabibitin daw ang P5K na ayuda sa ID system ng mga magsasaka. Hello… weh, 'di nga?
Puwede naman IMEEsolusyon na hingin n'yo ang tulong ng mga municipal agriculturist na may listahan ng mga kooperatiba ng mga magsasakang nasasakupan nila, 'di ba?
Malaking tulong ang ibinibitin ninyong P5K na ayuda sa farmers, sa isang ektaryang kanilang sinasaka, makatitipid sila ng 25% hanggang 30% gastos sa pagbili ng abono.
Eh, kada ektarya, gumagastos ang ating farmers ng P15K hanggang P20K para sa abono, biruin n'yo naman kasi anim hanggang walong bag ng abonong urea ang nagagamit nila, 'di ba ang gastos?
Remember, ang tig-800 noon na urea, naging P2,300, tapos latest ngayon ay P2,500 na. Juskoday, saan na huhugot ng pera ang ating farmers?
Saka nga pala, ang dapat mapunta sa mga magsasaka ng bigas ay nasa halos 9 bilyon din mula sa P18.9 bilyon na koleksyon ng gobyerno sa taripa sa bigas noong 2021, maliban sa P10 bilyon na itinakda sa Rice Tariffication Law. Hay, sana ay maibigay lahat 'yan na pantulong sa ating farmers.
Eh, anytime, puwede na i-release ng mga bangko ng gobyerno ang pondo, kayo na lang DA ang cause of delay.
Kapag ibinigay naman ang ayuda, isama n'yo na rin at bigyan 'yung mga farmers na gumanda na ang kabuhayan at nagkanegosyo ng produktong pang value added sa kanilang pananim.
Marami na ang nangangayaw na mga magsasakang magtanim, wah na sila badyet. IMEEsolusyon na i-release na agad ang P5K na ayuda, plis lang! Now na!
Hay naku, DA, 'wag n'yo na 'yan patulugin sa mga bangko para kumita o magka-interest ang cash aid.
Kapag hindi n'yo 'yan minadali ilabas at ipamigay sa farmers, mauuwi 'yan sa kakapusan, lalo na ng mga aning palay, eh, sino rin ba ang magdurusa, tayong lahat rin! Lahat magugutom! Agree?
Comments