top of page
Search
BULGAR

Ayuda sa mga pamilyang apektado ng ECQ, i-voucher na!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | March 31, 2021



Pinag-iisipan ng ating pamahalaan kung palalawigin ang Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus, pagkatapos ng April 4 para makontrol pa lalo ang pagbaba ng mga bilang ng tinatamaan ng COVID-19 lalo na ng mga bagong COVID variants.


Harinawa, bumaba na at matapyasan na ang bilang ng mga may COVID itong ECQ at mabuti namang may nahugot pang badyet na pang-ayuda kahit paano ang ating pamahalaan na P23 billion.


Panawagan natin sa ating mga kasamahan sa LGUs na masigurong mabibigyan ng tama, 'yung mga karapat-dapat na mabigyan sa ayudang kakarampot na lang.


Inaasahan nating hindi na mauulit ang nangyari sa ibang mga LGUs sa mga nagdaang mga lockdown na may nadobleng nabigyan, meron namang hindi na nakarating pa ang ayuda.


Well, may mga ganyan talagang pangyayari na hindi natin naiiwasan, dahil na rin sa minsan, may mga listahang nakalilito at hindi naayos na mabuti. Ganyan talaga, 'Ika nga, "To err is human, to forgive is divine".


Noong mabigyan naman ng ayudang cash ang ilan, may iba tayong mga kababayang, itinabi o inipon at hindi muna ginamit, ang iba nama'y natukso na gamitin sa sugal, hay sayang!


But no worries, IMEEsolusyon d'yan, eh, repasuhin na mabuti ng ating mga LGUs na may hawak na listahan at may suggest sa ating gobyerno na baka puwedeng "I-voucher" ang ayuda para hundred percent sure na magagamit ng tama para sa kagutuman ng bawat pamilyang apektado ng ECQ.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page