top of page
Search
BULGAR

Ayuda sa mahihirap nating kababayan, larga!

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 16, 2022


Sisimulan ng Department of Social Welfare and Development ang pagbibigay ng ayuda sa mga naghihirap na pamilya sa katapusan ng buwan ng Hunyo.


Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, bago matapos ang buwan ay ibibigay ang financial aid na P500 sa tinatayang 12.4 million households sa buong bansa.


Dagdag pa niya, kasama sa mga makatatanggap ay mga 4Ps beneficiaries, social pension beneficiaries at iyong mga tumanggap ng unconditional cash transfer mula 2018 hanggang 2020.


Matatanggap ang nasabing ayuda sa loob ng anim na buwan at maaari itong ma-claim sa pamamagitan ng cash cards. Mahahanap naman ng mga beneficiary na walang cash card ang kanilang pangalan sa listahang ilalabas ng pamahalaan na naglalahad ng alternatibong paraan para makuha nila ang ayuda.


Ang naturang ayuda ay ipamimigay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-roll-out ng P500 monthly subsidy upang matulungan ang mahihirap na pamilya sa gitna ng epekto sa mga bilihin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.


Umaasa tayong sisiguruhin ng DSWD na malinis ang listahan ng mga benepisaryo at maiiwasan ang mga double entry, maging ang pagbilang sa mga taong hindi naman kuwalipikadong tumanggap ng ayuda.


Nawa’y sa lalong madaling panahon ay maipaabot natin sa ating mga kababayan ang tulong.


☻☻☻


Ibayong pag-iingat ang kailangan sa kabila ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Nitong Linggo ay nagtala ang bansa ng 308 bagong kaso ng COVID-19, na siyang pinakamataas na bilang sa loob ng dalawang buwan.


Ayon sa Department of Health, bagama’t tumataas ang bilang ng kaso, hindi pa naman ito nagresulta sa mas mataas na hospitalization at intensive care unit utilization rates.


Patuloy nating obserbahan ang mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.


Hinihikayat din natin ang mga eligible na magpaturok ng booster shot para sa dagdag-proteksyon.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page